Basahin Santiago 3:1-13
Marahil ang Santiago (James) 3:13 ay isang bahagi sa buong Biblia na tuwirang nagpapahayag tungkol sa dila ng tao. Mayroon tayong matandang kasabihan, “Siyang kakaunti lamang ang salita, ay matalino” at ako’y kinakabahan para sa aking sarili. Nangaral si Santiago tungkol sa dila sa unang bahagi ng kanyang aklat, hanggang sa huling bahagi ng Santiago. At kahanga-hanga ang kanyang paraan sa pag talakay sa salita ng tao, na ito’y kanyang iniuugnay sa mga salita ng Panginoong Hesus. kayo’y magugulat sa mga ilang bagay na sinabi ni Hesus tungkol sa pangungusap ng tao (human speech). Kung inyong babalikan ang chapter 1 verse 19, na ang wika’y “…ang bawat tao ay dapat na maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita,…” – Dito nagsimulang talakayin ni Santiago ang patungkol sa tema ng dila ng tao, at doon sa verse 26 tila ang himatong ay ang mga mananampalataya nang sinabi niya, “Kung (first class conditional statement, assumed to be true) inaakala ng sinuman na siya’y relihiyoso, subalit hindi pinipigil ang kanyang dila, kundi dinadaya ang kanyang puso, ang relihiyon ng taong iyon ay walang kabuluhan”. Pagkatapos nama’y sa chapter 2:13, aniya’y, “Ano ang pakinabang mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinuman na siya’y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Maililigtas ba siya ng kanyang pananampalataya?” – wari bagang ito’y tungkol sa taong hindi nakikita sa kanyang buhay ang kanyang ipinapangaral. At pagkatapos sa chapter 3, tila baga tayong lahat ay pinatatamaan dito ni Santiago. Tayong lahat. Ang pangungusap ng tao katulad ng kanyang mga gawa ay tila isang durungawan sa puso ng taong yaon. Makabagbag-damdaming inusal ito ni Hesus sa Mark 7, kung saan sinabi Niyang, “Walang anumang nasa labas ng tao na pagpasok sa kanya ay nakapagpaparumi sa kanya kundi ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa tao”. – ibinubunyag natin ang ating tunay na karakter sa pamamagitan ng ating mga pangungusap. Ang ating dila ay uubrang maging napakalaking pagpapala sa pamamagitan ng pag-awit ng mga himno. O, how wonderful, it just moves us as it stirs us; the teaching of the Bible, and the preaching of sermons. I think of the Reformation period – the power of Martin Luther’s sermons. And sermons have changed the course of history. Sa aking buhay, nasaksihan ko na sa maraming pagkakataon kung papaanong sa loob lamang ng 30 segundo ay wasakin ng dila ng tao ang isang bagay itinaguyod ng Dios sa maraming taon. Totoo ang winika ni Martin Luther, aniya’y ang dila ng tao’y madalas na madulas sapagkat ito’y nasa basang lugar. At batid ng Dios na sa aking pagtalakay tungkol sa dila ng tao ngayong hapon, ako’y kasangkot dito. Ang panalangin ko ay tulungan tayo ng Dios na sa pamamgitan ng aking mga pangugusap ay makilala ng husto ng mga tao ang nga bagay tungkol sa ating Tagapagligtas. Sa hapong ito, tatalakayin natin ang verses 1 through 12, ngunit sinasabi ko sa inyo ito’y magiging makirot para sa ating lahat. Tila kakaiba ang panimula ng kabanata na ito, na kung saan sinasabi, “Mga kapatid ko, huwag maging guro ang marami sa inyo, …” – hindi nga ba kakaibang pambungad na pananalita? Ano kaya ang nasa likuran nito at tila sinasabi sa atin na opopop hwag padalos dalos kung gusto mong maging mangangaral. Tila mayroong 2 posibleng pinanggagalingan ito, at hindi ko tiyak ko alin sa 2 ito: Una sa 1 Corinthians 14:26-40, dapat nating maunawaan na ang iglesia ng unang siglo ay hindi pa organisado. Ang mga mananampalataya ay wala pang kaayusan sa kanilang pagtitipon; mayroong tumatayo at biglang aawit, mayroon din naman biglang magsasalita sa ibang wika at sinasapawan ang umaawit. Kagilagilalas ang mga pangyayari at ang lahat ay tila nais na magsalita, at sa puntong ito nagwika si Pablo, “Mga kapatid lagyan natin ito ng kaunting kaayusan, Ganire and dapat natin gawin…”. Malamang ito ang pagnanasa ng iglesia ng unang siglo na maipamalas ang bagong kalayaan kanilang naranasan na masabi nila ang mga bagay na nagawa ng Dios para sa kanila. Na napakaraming mga mananampalataya ang biglang nagnais na magsimulang magturo nang hindi pa naman sila handa sa gawain nayaon. Kaya’t maaaring ito ang background nitong verse 1. Ang pangalawang posibleng background marahil, ay sa isang iglap hinangad ng lahat na maging isang guro o’ rabbi dahil sa taglay nitong karangalan ng pagiging isang guro o’ rabbi. Kakatuwa, ang wika’y “…huwag maging guro ang marami sa inyo,…” – it’s a special construction that means to stop an act already in process. They were acting like teachers. They were all trying to teach. Wala namang masama sa pagtuturo, sa katunayan ito’y isang kahanga-hangang gawain. Ito’y nabanggit sa 1 Corithians 12:28 bilang isa sa mga kaloob na espiritual, at ito’y nauugnay sa gawain ng isang pastor. Nabanggit din ito sa Ephesians 4 at sa 1 Timothy 3, kaya’t ito’y isang kahanga-hangang bagay. Ngunit, bakit sinasaway ni Santiago ang mga tao na magturo? Dahil, “yamang nalalaman nating hahatulan tayo ng mas mahigpit”. Ibinilang ni Santiago ang kanyang sarili sa kategoryang yaon. Gayundin si Pablo bilang isa guro, propeta at apostol ay ibinilang ang kanyang sarila sa kategoryang yaon na hahatulan, at hahatulan ng mahigpit kaysa sa ibang tao. Minsan mayroong nagwika ang lahat daw ng mga sermon at mga Bible teaching lessons ay susuriing maigi ng Dios kung mga ito ba’y tumpak na mga doktrina. Palagay ko mayroong iba’t ibang baytang o antas sa langit man o sa impiyerno. Ito’y hindi malinaw na turo sa Biblia anupa’t ang pinakamalinaw marahil ay sa larangan nitong “stricter judgment” o sa hahatulan ng mas mahigpit. Ano ba ang ibig kong sabihin sa hahatulan ng mas mahigpit? Nais kong tunghayan ang ilang mga talata sapagkat wari ko’y hindi tayo komportable sa doktrinang ito na mayroong iba’t ibang antas impiyerno at antas ng langit. Unahin natin ang impiyerno, Puntahan natin ang Matthew 10:15; bagama’t hindi naman tahasan at malinaw na itinuro dito, tila mayroong paghango sa katuruang ito, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, higit pang mapapagtiisan sa araw ng paghuhukom ang mga lupain ng Sodoma at Gomorra, kaysa bayang iyon.” Okay? so mayroong tila allusion o paghango sa bagay na yaon. Ngayon tunghayan naman natin ang Matthew 18:6, ang wika’y, “Datapuwa’t sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya’y ilubog sa kalaliman ng dagat.” – nawawari nyo yung uri ng dagdag na paghatol sa taong yaon? Tunghayan naman natin ang Luke 12 simula sa 42. Ito’y isang talinghaga patungkol sa mga alipin na pinagkatiwalaan sa iba’t ibang mga bagay ng kanilang amo, ngunit ang lundo nito ay sa verses 47 at 48 basahin natin: At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami; Luk 12:48 “Datapuwa’t ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya.” – ito’y isang matinding katotohanan. Ngayon naman buksan natin sa Luke 20:7: “Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing balo, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito’y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.” Yung huling bahagi ng talata na nagsasabing yung mga escribang mapangibabaw ang siyang tatanggap ng mas mabigat na paghatol. Batay sa mga talatang ating binasa, bagamat aaminin ko na walang malinaw na turo ang Biblia ukol dito, nais kong ibalangkas sa inyo ang nasa aking isipan batay sa allusions o paghango sa mga talata na ito at marami pang iba. Palagay ko kung titingnan natin ang mga antas ng paghatol ay maaaring ganito: Yaong mayroong malinaw na pagkaalam sa Ebanghelyo ay mas higit na responsable kaysa sa mga taong hindi nakapakinig ng Ebanghelyo ni Hesus, bagama’t silay nasa ilalim pa rin ng paghatol. 2 uri ang kanilang kaalaman: Natural revelation, na kung saan ang katotohanan ng Dios ay nahahayag sa pamamagitan ng kalikasan (cf. Romans chapter 1). Pangalawa’y ang Dios nahahayag sa pamamagitan ng inner moral sense o’ budhi ng tao. Palagay ko ang Pilipinas ay hahatulan ng mas mabigat, sapagkat palagay ko laganap na sa ating bansa ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, at upang ito’y itakwil ng ating mga kababayan ay lalong mas mabigat na paghatol ang kanilang tatamuhin. Ngayon, tungkol naman sa mga antas ng langit – talakayin natin yan ng matulin na matulin. Kung ako’y inyong dadalhin sa isang ballet, at makakita ako ng mga lalaking may suot na makikipot na leotards at tatalon talon sa tanghalan, nakakalungkot lang talaga kasi hindi ko talaga mauunawaan. Ngunit kung dadalhin ninyo sa ballet ang isang tao na nagsasayaw ng ballet, nakakaunawa ng mga kahulugan ng mga movements ng ballet sa opera, nauunawaan nila ang musika, nauunawaan nila ang kagandahan ng kaugnay mga sayaw ng ballet, they will appreciate that much. I would say that all of us that are Christians are going to have our cups filled. Now I think we’re going to have different sized cups, but if I know that you have a bigger cup than mine, I will be ticked for eternity. What i am saying is those who have served the Lord here on earth are going to have a greater capacity to appreciate the joys of heaven. So in that sense there are degrees, but in the sense of being completely maximized I think there are not degrees, but beyond that wE can’t go because the Bible is really silent. Ako’y lubhang nagaalala bilang isang mangangaral, ako’y tatayo sa harapan ng Dios at magsusulit ng bawat salita na aking binibigkas sa harapan ng pulpito. Kaya’t kung ikaw ay magsasalita para sa Dios mabuting manalangin, magsisi, at magaral, at maghanda ng lubusan. Ngayon kung papansinin natin, nagsisimula ang pagpapaalala sa mga guro, ngunit sa paglaon ay sumasaklaw sa lahat ng mananampalataya. Ito’y hindi lamang responsibilidad ng mga guro kundi responsibilidad din ng lahat ng mananampalataya, na tayo’y magsipagingat hindi lamang sa gawi ng ang pangungusap kundi pati na rin sa nilalaman nito. Tunghayan natin ang verse 2: “Sapagkat tayong lahat ay natitisod…” ito ay isang imperfect tense sa Greek na ang ibig sabihim ay continual action in past times, at ang salitang ’tisod’ ginagamit sa konseptong kasalanan. Lahat tayo’y nagkakasala sa pamamagitan ng ating mga dila. Nakakasakit tayo ng damdamin ng tao. Ngayon, kung ito’y totoo, palagay ko masasabi natin na isa ito sa maraming mga talata sa Biblia na nagpapatunay na ang lahat ng tao ay nagkasala, at maaaring ito’y maging kagulat-gulat sa inyo ngunit ang konsepto natin tungkol sa ‘original sin’ na sa pamamagitan nin Adan lahat ng tao ay nagkasala, at pinipil ng lahat ng tao na magkasala ng personal, na ito’y natatanging doktrinang Kristiyano, sapagkat ang mga Jewish rabbis ay hindi naniniwala sa original sin. Ang sinasabi nila’y mayroong 2 umuudyok sa budhi ng tao, ang yetser hara at yetzer hatov, the bad impulse and the good impulse. Anila’y mayroong 2 uri ng aso sa puso ng tao. isang maitim at isang maputi, at kung sino ang malimit mong pakainin ay ang siyang mas lubhang lumalaki. Kaya’t kung ang kasalanan ay ipataw man sa ating indibiduwal na pagpili o’ sa kay Adan, ang katotohanan ay lahat ng tao nagkasala at kapos sa kaluwalhatian ng Dios. Palagay ko lahat tayo ay tanggap naman natin ang lahat ay nagkasala, lahat tayo’y nagkakamali, nakakasakit tayo ng damdamin ng tao sa pamamagitan ng ating mga dila, mali ang nawiwika nating mga salita, kapagka kung minsan tayo’y hindi nagiging pagpapala sa ating kapuwa, masasabi nating totoo na walang taong sakdal (matured). Kaya’t sinasabi ni Santiago na yamang walang sakdal sa atin, maaari naman siguro ingatan natin ng maigi ang pangangaral at pangungusap, because the man who slips less hurts people less. Malimit kong sinasabi sa inyo na kayo’y ingatan ng Panginoon sa tuwing ako’y mangangaral sa inyo. Inaamin ko mayroong akong kamalian sa aking theology. Alam ko na marami akong maraming opinyon sa lahat ng bagay sa Biblia, ang aking panalangin ay ingatan kayo ng Panginoon sa maling aral na nanggggaling sa aking sarili, at bigyang diin ng Panginoon sa inyong puso at isipan ang mga wagas at dalisay na katurran ng Dios. Palagay ko dapat nating mapagtanto na lahat tay’y nagkakamali, at sinasabi ni Santiago na makikila natin ang isang matured Christian sa pamammagitan ng kung papaano siya mangusap. Ito’y isang bagay na nakakagitla. At tunay na masidhi ang pangaral ni Hesus patungkol sa salita ng tao, at nais kong ipakita sa inyo. Balikan natin ang Matthew 12:36 at pakinggan nyo kung ano ang sinasabi ni Hesus tungkol sa ating salita (Parang nais ko ng manahimik na lang palagi), “Subalit sinasabi ko sa inyo, na sa araw ng paghuhukom ay pananagutan ng mga tao ang bawat salita na binigkas na walang ingat.”Tingnan nyo ang verse 37, “Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay pawawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong salita ay mahahatulan ka.” Bukasan naman natin ang Matthew 15:11, ito yung parallel verse ng Mark 7:15, “Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi”. At kung lumaktaw tayo sa verses 18 at 19, ang kabuoan niyaon, “Sapagkat nagmumula sa puso ang masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paglapastangan. Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa tao; ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng mga kamay ay hindi nagpaparumi sa tao.” – kaya sa palagay ko bagamat and ating mga dila ay napakaliit na bahagi ng ating katawan, ito’y sumasalamin sa ating mga puso. Ang pagiging sakdal o matured sa wikang ingles ay mayroong pagkakahulugan “fully equipped” o ganap na handa o hinog na. Para bang yung mga 45-day old chickens na uubra ng maging friers, at ang tanda na kapag kontrolad om ang iyong salita, ito’y isang ebidensya na kontrolado mo ang iyong sarili, na siyang isa sa bunga ng Espiritu. If you can control your speech, it’s an evidence that you have self-control. Tingnan natin ang verse 3, ito’y isang first class conditional statement (assumed to be true), gagamit si Santiago ng 3 halimbawa, kabayo, barko, at ningas ng apoy, at ito ang pangunahing bagay na sasabihin niya. Isang bagay na kasingliit ng preno ng kabayo ngunit kinokontrol ang buong kabayo; isang bagay na kasingliit ng timon kontrolado ng piloto ang buong barko; at isang bagay na kasingliit lamang ng ningas ng apoy ay uubrang tumopok sa malawak na gubat, ay gayundin naman ang isang bagay na kasingliit lamang ng ating dila ay ubra nating gamitin sa gawain ng Panginoon. Linangin natin ito; naglalagay tayo ng preno sa bibig ng kabayo upang marendahan natin ang kanilang buong katawan.Tingnan natin ang malalaking barko noong unang panahon, bagama’t malaki at tinatangay ng malalakas na hangin, ngunit sila’y nagigiya ng piloto sa pamamagitan lamang ng isang maliit na timon, ganun din naman ang ating dila, napakaliit bahagi ng ating katawan ngunit nagyayabang ng malalaking bagay. Ang dila ng tao ay nakapagganyak ng tao na makipagdigma, nakapagganyak nang tao na magtayo ng mga bansa, nakapagganyak sa maraming tao na magtiwala kay Kristo, at marami pang kamangha-manghang kakayahan makapagganyak ang ating dila sa positibong paraan. Ngunit sa kabilang banda, ang dila din naman natin ay uubrang magamit sa negatibong paraan. Palibhasa’y ang ating dila ay hambog at mapanira, katulad ng isang maliit na ningas ng apoy ay makakapagpaliyab sa buong kagubatan, tupukin ang lahat, tuyot na dahon man o buhay na mga puno. Ganyan ang ating dilang mapanira. At ang wika sa verse 6, “ang dila’y isang apoy. Ang dila na kasama ng ating mga sangkap ay isang sanlibutan ng kasamaan. Dinudungisan nito ang buong katawan, at sinusunog ang pag-inog ng kalikasan, at ito mismo ay sinusunog ng impiyerno.”Anong ibig sabihin nito sanlibutan ng kasamaan? Batay sa konteksto ng ating talata, 2 bagay lamang: una ang ating dila raw wari baga’y kumakatawan sa lahat ng kasamaan sa buong mundo. Pangalawa’y ibinubunyag ng ating dila ang niloloob ng ating puso, ito’y isang kapahayagan ng kasamaan sa kalooban ng tao. Sinasabi dito na uubrang wasakin ng ating dila ang ating buhay mismo. Mayroon ding kapangyarihan ang atin dila magwasak ng mga bagay hindi lamang sa pangkasalukuyan kundi pati na rin ang mga darating na salinlahi. Mayroon tayong kapangyarihan pagpalain ang tao sa pamamagitan ng ating dila, ngunit mayroon din tayong kapangyarihan lumuray at magwasak sa tao sa pamamagitan ng ating dila. Verse 7, “Sapagkat ang bawat uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga hayop na gumagapang at mga nilalang sa dagat ay mapapaamo at napapaamo na ng tao,…”Mangyari pa ito’y isang eksaherasyon (overstatement), sapagkat wala namang turuang isda. Mayroong turuang elepante, turuang leon, at turuang tigre, ngunit ang sinasabi lamang nito’y binigyan ng Dios ang tao ng kapamahalaan at kapangyarihan sa lahat ng hayop. Natuturuan nating lubha ang mababangis na hayop, ngunit hindi natin maturuan ang ating dila. Hindi natin makontrol ang ating mga salita. God help us! Tayo’y inilagay sa poder ng kapangyarihan sa buong mundo, ngunit hidni natin masupil ang ating mga dila. Ang ating dila’y sadyang masama. At sa verse 8, “subalit ang dila ay hindi napapaamo ng tao, isang hindi napipigilang kasamaang punô ng lasong nakamamatay.” – ang salitang ginamit dito’y patungkol sa dila ng isang ulupong na labas masok. Batid nyo ba na ang pang-amoy ng mga ulupong ay ang kanilang mga dila? At yun ang dahilan kung bakit iyo’y labas masok, at makita mo lamang ang dila ng ahas ika’y lybhang masisindak. O napakatinding paghahalintulad ang ginagamit ni Santiago; puno ng lasong nakamamatay. Sa pamamagitan ng ating dila pinupuri natin ang Dios, at sa pamamagitan din nito sinusumpa natin ang taong nilikha sa wangis at anyo ng Dios. O anong kabalintunaan! Sa tuwing binabasa ko ito, naaalala ko ang 1 John 4:20, “Kung sinasabi ng sinuman, “Iniibig ko ang Diyos,” at napopoot sa kanyang kapatid, siya ay sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita.” Hindi ko maubos maisip, tayong mga anak ng Dios sa tuwing nagtitipon tayo, umaawit ng mga kahanga-hangan himno ng pananampalataya, nagbabasa ng Salita ng Panginoon, at manalangin sa Dios, kapagdaka’y pipihit at maninira ng kapwa Kristiyano sa pamamagitan ng mga salita laban sa kanila. Gossip is nothing more than putting someone on trial without them having a chance to defend themselves. Mga pasaring, mga komentong mapanira sa kapwa, sinasabi ko sa inyo lubhang napakahirap mangyari na lumabas sa isang bibig ang pagpapala at pagtutungayaw. Ang pagtutungayaw ay yaong hangarin mo na may masamang mangyari sa iyong kapwa. Ang sinasabi ni Santiago’y, imposible nating purihin ang Dios at sumpain ang ating kapwa. Ngunit nakakalungkot, maraming tao ang gumagawa nito, sapagkat hinati nila ang buhay sa ‘secular’ at sa ‘sacred’, at wala silang nakikitang problema dito. Basta gumawa tayo ng mabuti tuwing Linggo, masigasig sa iglesia, nagtuturo sa Sunday school, umaawit tayo ng mga himno, kaya’t hindi mahalaga kung ano ang pinaggagagawa natin Lunes hanggang Biyernes. Ganyan ba tayong mga anak ng Dios? I think gossip is the unique sin of the church. I think criticism is the unique sin of the church, and I think we’re all guilty of it! Beware! Our tongue lives in a wet place, it is prone to slip! –