(basahin 2 Cor. 9:1-15) Ako’y naniniwala na ang susi sa lahat ng pagbibigay-espiritual ay ang biyaya ng Dios. Pinakadakila ang pagbibigay ng Dios sa atin ng ibinigay Niya ang Kanyang Anak bago pa man tayo humingi ng anomang bagay sa Kanya, anupa’t kinakailangan na ito’y tanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsisisi. Wala tayong paguusapan tungkol sa pagbibigay kung ito’y hindi magsisimula sa di-karapatdapat at di-mineritong biyaya ng Dios. Ang tamang pagbibigay ng Kristiyano ay ang umaapaw na pasasalamat at utang-na-loob sa Dios, at ang anumang dahilan o’ motibo ay hindi angkop. GRACE IS THE GIFT OF GOD, AND GIVING IS THE RESULT. Ang chapters 8 at 9 ng 2 Corinthians ay magka-ugnay na mga kabanata na tuwirang nagpapahayag tungkol sa ating mahalagang tungkulin bilang mga katiwala ng Panginoon. Nararapat po nating maunawaan kung sino tayo sa ganang Kanya. Hindi tayo may-ari. Tayo’y pawang katiwala lamang at hindi may-ari. Hindi natin pag-aari ang ating mga buhay. Hindi natin pag-aari ang ating mga anak. Hindi natin pag-aari ang ating kinabukasan. At hindi natin pag-aari ang mga tinatangkilik. Tayo’y mga katiwala ng biyaya ng Dios. Ang isang mananampalataya, bilang binanal ni Kristo ay bahagi ng malaking kalipunan ng mga mananampalataya – bahagi ng pamilya ng Dios. At bilang mga anak ng Dios nararapat tayo na maging handa sa magkasamang paglahok (koinonia) sa gawain ng pagbibigay para sa gawain ng iglesia. “Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana” Tila ito’y hango sa Proverbs 11:24-25 at 19:17. Malimit din na ipinangaral ni Hesus ang prinsipiyong ito ng paghahasik sa Luke 6:38. Ang paghahasik ay isang pangkaraniwang talinghaga sa Bagong Tipan at ito’y makikita nyo sa Gal. 6:7, mababasa ninyo ito sa Matthew 13. Ang ibig sabihin lamang nito ay kapag tayo’y nagtanim, nagpunla ng buto ng halaman, ito’y magbubunga ng mas marami pang mga buto o’ dili kaya naman kapag tayo ay nangangaral ng isang katotohanan, ito ay magbubunga ng mas malawak na katotohanan. Sa kontekstong ito, kung magbibigay tayo sa Dios nang kung ano ang nasa iyong pagtatangkilik, itoy pararamihin ng Dios, at pasasaganahin Niya sa iba, at pati na rin sa atin. Ang mga pagpapalang ito ay hindi lamang material na bagay kundi pati na rin mga espiritual na bagay. “Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.” – tila ito ay hango sa Proverbs 22:9. Ang sinasabi nito ay hindi lamang tunay na iniibig ng Dios ang kusang-loob na mga handog, kundi iniibig din Niya ang malaya, boluntaryo, at masayahin na pagbibigay ng ating mga kaloob. Sinasabi ko sa inyo, kung posible na magbigay hanggang sumakit, mas lalong posible na magbigay hanggang ito ay maging isa sa mga dakilang kagalakan ng ating pagsamba sa Dios. Marami na akong napakinggan sermon kung saan ang pakinabang ang motibo ng pagbibigay. Wala namang masama dito, ngunit kung ang pakinabang ang nagiging panguhaing motibo ng iyong pagbibigay, sinisira mo ang tunay na diwa ng pagbibigay ng isang Kristiyano. Totoo na ibinabalik ng Dios ng isang-daang ulit yaong ating kaloob, ngunit ang layunin ng kasagaan na yaon ay hindi para sa personal na kagalakan at personal na gamit ng mga biyaya nayaon. Nais kong sabihin sa inyo na ang kagalakan ng pagbibigay ay walang kaugnayan sa kung ano ang mapapakinabangan natin, kundi ang ating kagalakan ay may kaugnayan sa katotohanan na tayo ay bahagi ng Kaharian ng Dios. “At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa.” – Isa sa mga pagpapakilala sa ating Dios ay Siya ang Dios na May-kaya sa lahat. Basahin ninyo ang Romans 16:25; Ephesians 3:20; at Jude 24-25. Hindi ba kayo nagagalak na magbigay sa isang Dios na may-kaya, kahit na hindi kayo magbigay? Pinaguusapan natin dito ay ang Kanyang biyaya at ang Kanyang pagbubunsod ng bawat pagpapalang espiritual na sumagana sa inyo ng sa gayon sa tuwina’y sa bawat pagkakataon kayo ay magkaroon ng buong kasapatan at umapaw sa bawat mabubuting gawa. Ang salitang kasapatan sa Griyego ay may kahulugan na self-contentment. Philippians 4:11 – “sapagkat aking natutunan ang masiyahan sa anumang kalagayang aking kinaroroonan.” Tingnan nyo rin ang 1 Timothy 6:6. Ang Dios ang nagbibigay sa atin ng bawat bagay, anupa’t walang bagay tayong maibabalik sa Dios na siyang naibigay nang una sa atin. Imposible tayong magbigay sa Dios. Tayo’y mga katiwala lamang ng mga bagay na naibigay na sa atin. Hindi natin maibabalik ang anumang bagay na hindi na naibigay sa atin, kaya’t ako’y nababagabag sa karamihan ng mga Kristiyano ngayon na nag-aakala na kapag naibigay na nila ang kanilang ikapo, natapos na ang kanilang obligasyon, at magagamit na nila ang nalabing 9/10 sa kanilang sariling kalayawan. Ang ating buong pagkatao at lahat ng kung ano meron tayo ay pag-aari ng Dios. Wag po natin kalilimutan yan. Harinawa’y ang ating pagbibigay ay hindi nasusukat sa por siyento, nawa’y ang ating attitude ay boluntaryong paghahandong ng ating mga sarili, higit pa sa ating kakayahan, higit pa sa ikapo, pagbibigay ng may kagalakan. Ipagkakaloob ng Dios ang kasaganaan upang ikaw ay makapagbigay din para sa kabutihan ng iba. Hindi ibig sabihin na payayamanin ka ng Dios upang lustayin mo sa kalayawan, upang magkaroon ka ng mas malaking bahay, mas maraming kotse, at gawin ang sariling gusto. Ako’y naniniwala na pagkakalooban ng Dios ng mas higit pa ang taong mapagkakatiwalaan Niya sa pag-iingat ng mga kayamanan ng Dios. Gagamitin Niyang alulod ang taong yaon upang dumaloy sa pamamagitan ng taong yaon ang kasaganaan para sa gawain ng Dios at para mga anak ng Dios. Naghahanap ang Dios ng daluyan ng Kanyang pagpapala para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa buong mundo. Mas matimbang sa Dios ang saloobin (attitude) ng ating pagbibigay kaysa sa halaga ng ating kaloob. Palagay ko nais ng Dios na ang lahat ng kanyang mga anak ay magbigay, ngunit ang saloobin natin ang mas mahalag sa Kanya. Basahin ninyo ang Mark 12:41-44 tungkol sa pagbibigay ng babaeng balo. Ang ating pagbibigay ay magsisilbing patotoo sa mundong nahulog sa kasalanan patungkol sa ating pagtitiwala sa mga pangako Ng Dios at sa Kanyang mga nagawa sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ito ay magiging bukas na kapahayagan ng pagibig na sa gitna ng kahirapan at paguusig ay bukal sa loob ang pagbibigay ng may kagalakan. Ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ay mabibigyan ng daan sa pamamagitan ng ating pagbibigay ng maluwat. Ang modelo ng ating pagbibigay ay ang pagbibigay mismo ni Hesus, na bagamat Siya’y mayaman, Siya’y naging maralita na iniwan Niya ang kaluwalhatian ng langit upang maging isang hamak na lingkod upang makamtan natin ang Kanyang kayamanan. Ang tunay na pagbibigay ay ang pagbibigay ng Dios ng Kanyang kaloob sa atin – si Hesu-Kristo. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” We ought to give like Jesus gave – sacrificially. We ought to give according to our means and beyond. We ought to give not only of our time and talents and possessions, but we ought to give of ourself. As Jesus came for the joy set before Him, we ought to give for what our gifts are going to do not for our glory but for the glory of God. As Jesus focused all that He did to the glory of the father, we ought to focus all that we do for the glory of the Son.