Nais kong pag-aralan natin ang isang kabanata sa Ebanghelyo ni Juan at hayaan natin ang Banal na Espiritu ang mangusap sa bawat isa sa atin sapagkat sa ganang akin, ako’y walang kakayahan na icommunicate sa inyo ng wagas ang mga Salita ng Panginoon. Pinamagatan ko itong “Ang mga taong malapit kay Hesus”. Nais kong magbigay ng pangunahing panananalita pagkatapos ay talakayin ang ilang mga tauhan ng John chapter 11. Isa sa mga malimit nating makalimutan sa panahon natin ay dahil sa dakilang pagibig natin kay Hesus at dahil sa ating pagbibigay diin sa kung sino Siya at kung ano ang ginawa Niya, hindi natin napagwawari na iniaangat natin Siya sa isang angkop na pedestal ng pagka-Dios at pagka-may walang hanggan, na makatuwiran naman, ngunit sapagkat malimit natin gawin yon, nakakalimutan natin ang kapantay na katotohanan na si Hesus ay katulad din natin na isang tao. Tunay na napakahirap na magsalita tungkol sa Kanya bilang Dios sa walang hanggan at mangusap tungkol sa Kanya bilang isang tao na katulad natin sa isang paraan na makabuluhan para sa atin. Alam ninyo, ‘the early church they tended to lift Jesus up so high that they ignored his humanity. and one of the early church heresies was to assert the deity of Christ without his humanity; you probably know it as Gnosticism’. Sa ating kapanahunan naman ngayon, ay mapapansin natin na karamihan sa mga nagaangkin na si sila ay Kristiyano, binibigyan nila ng diin ang pagka-tao ni Kristo ngunit ngunit minemenos naman ang Kanyang pagka-Dios. Yong mga pelikulang ‘Jesus Christ Superstar’ at ‘Godspell’ ay mga pagtatangka ng ating kultura na bigyan ng diin ang pagka-tao ni Hesus at hindi binibigyan ng karampatang halaga ang Kanyang pagka-Dios. Alin man s dalawang ito ay mali, sapagkat ang Panginoong Hesus ay tunay na Dios at tunay na tao. Sa hapong ito, nais kong talakayin ang tungkol sa kanyang pagka-tao. Taong katulad natin na nagsesepilyo ng ngipin, naghihinuko, lubhang napagod sa kalalakad kaya’t napaupo na lamang sa tabi ng balon sa John 4. Palagay ko kung may Jollibee nung araw, malamang kumain din Siya ng hamburger kasama ng kanyang mga kabarkada. Siya ay tunay na tao. Batid Niya ang pait, sakit, ligaya na idinudulot sa atin ng ating pagkatao. Talos Niya ang limitasyon ng pagka-tao. Batid Niya ang pagkahilig sa kasamaan nito. At alam nyo ba ang dahilan kung bakit napakasarap na malaman na si Hesus ay katulad natin, ay sapagkat nauunawaan Niya ang buong saklaw ng ating mga emosyon. Batid Niya ang lahat ng sirkumstansya na nararanasan ng tao, at iniibig Nya tayo sa gitna ng ating mga kahinaan. Siya ay lumakad dito sa mundog ating nilalakaran. Alam nyo, isa pang bagay na ginagawa natin bagama’t maganda ang ating motibo, ay ginagawa nating ‘super heroes’ ang mga tauhan sa Biblia. Wala namang ‘super man’ at ‘super woman’, wala ring ‘lone ranger sa Biblia. Silang lahat ay mga pangkaraniwang tao katulad natin. Wala namang mga henyo sa mga pinili ni Hesus na maging alagad Niya. Walang namang ‘Albert Einstein’ na na naging alagad si Hesus, o’ kasing yaman ni ‘Henry Sy’. Ang Kanyang piniling mga alagad ay dalawang mangingisda, isang kurakot na BIR, isang rebelde, isang nanganglakal, lahat sila ordinaryong tao lamang sa lansangan ng Jerusalem. Alam nyo kung bakit napakahalaga sa akin na pinili ni Hesus ang mga pangkaraniwang tao? – ay sapagkat ganoon din tayo – ordinaryong tao. Sila ay pinili ni Hesus at inibig sila sa gitna ng kanilang mga suliranin. At ako ay nagagalak sapagkat ang sinasabi sa akin nito, ay iniibig ka ni Hesus sa gitna ng iyong mga suliranin. At ang mga suliranin ng mga tao sa Biblia ay hindi kakaiba. Ito ay suliranin ng buong sangkatauhan, at batid Nya ito, pamilyar Sya sa lahat ng mga pasakit at problema ng sanlibutan, ngunit iniibig pa rin Nya tayo. Alam nyo po, kung tayo ay nabuhay sa kapanahunan ni Hesus at nasaksihan ang lahat ng himala na Kanyang ginawa, at nakinig sa lahat ng Kanyang mga turo sa loob ng 3 taon, marahil ay hindi naman nagkakaiba o’ katangi-tangi ang naging kaugnayan ni Hesus sa mga taong naging malapit sa Kanya kung ihahambing sa maaring naging kaugnayan natin sa Kanya kung tayo ay nabuhay sa kapanahunan Nya. Sapagkat ang problema ng tao sa kanyang sarili ay hindi naman nagbabago. Problema nila noong araw, problema din natin ngayon. Sa ganitong diwa, nais kong pag-aralan natin ang mga tauhan sa John 11. Kung babasahin ninyo ang buong Ebanghelyo ni Juan, mapapansin ninyo na sa bawat kabanata ng aklat na ito, ang pagka-Dios ng Panginoong Hesus ang binibigyan ng diin. Paulit-ulit ang bawat kabanata sa pagtatanghal kay Hesus sa dako ng lubos na pagka-Dios. At ito ay totoo. At ang chapter 11 ay ang tinatawag na “I am the Resurrection and the Life” chapter. ‘O, what a chapter for the power of Jesus the Son over all of human frailty’. Nais kung talakayin ito sa ibang paraan sapagkat dito, bagamat Sya ay tinatanghal bilang Panginoon at Dios, mapapansin din natin ang iba’t ibang tao sa kanilang pakikipagugnayan sa Kanya, at ito ang nais kong gawin ngayon hapon – pag-aralan ang iba’t-ibang tao na nakipagugnayan sa Kanya sa patungkol sa kamangha-manghang himala ng pagbabangon mula sa mga patay. Matutunghayan natin dito si Hesus na mayroong mga espesyal na mga kaibigan. ‘Does that bother you? Jesus having a very special circle of friends? The Son of God Incarnate having special friends? Well Jesus was just like you and me, there’s nothing wrong with that’. Mapapansin natin na 3 sa Kanyang mga alagad ang malimit na nakamalas ng mga espesyal na himala at nakapakinig ng mga espesyal na katotohanan, at nanalangin na kasama si Hesus sa hardin ng Gethsemane. Ang tatlong alagad na ito ay walang iba kundi si Peter, John and James. Dito, Si Hesus ay meron [pang isang espesyal na barkada. Isang pamilya na inibig Niyang lubos – Sina Lazarus, Mary at Martha. Sa kanilang bahay malimit na tumutuloy si Hesus tuwing may kapistahan sa kanilang lugar sa Bethany, 2 milya ang layo sa Herusalem. Maaaring magtaka kayo Itong 3 ito ay minsan lamang nabanggit sa ‘synoptic gospels’. Sa Luke 10:38-44 ay nabanggit ang isang pangyayari tungkol kay Hesus noong pumunta Siya sa bahay ng 3 ito upang sumalo sa kanilang hapunan. Nagsumbong kay Hesus si Martha tungkol sa kapatid niyang si Mary na hindi tumutulong sa kanya sa paghahanda, at pinagsabihan siya Ni Hesus na tungkol sa kahalagahan ng mga espirituwal na bagay kaysa materyal. Ngayon ito ang buong ‘background’, nang marinig ni Hesus ang balita na may karamdaman si Lazarus, ngunit naghintay Siya ng 2 araw upang dalawin si Lazarus. Kung titingan nyo ang verses 33-38, ito’y nagsasabi sa atin tungkol sa ating Panginoong Hesus na lubha kong naibigan. Tatlong pagkakataon, sinabi na si Hesus ay lubhang nalungkot sa pagdadalamhati ni Mary at Martha. Hindi Siya nalungkot sa pagkamatay ni Lazarus, sapagkat sinadya Niya na magpaliban upang mahayag ang kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng pangyayaring ito. Ngunit Siya ay lubhang nalungkot noong makita Niya na nag-iiyakan at nagdadalamhati ang 2 dalaga na ito. Siya ay umiyak kasama ni Mary at Martha. ‘This is the shortest verse in the Bible, “Jesus wept” (John 11:35)’. Patuloy Siyang nakiramay sa kanilang pagdadalamhati hanggang sa libingan ni Lazarus. Nais kong sabihin sa inyo na kapag ako ay nasasaktan at may matinding suliranin ako’y lubos na nagagalak na malaman na si Hesus ay lumuluha na kasama ko. Mayroong pagkakataon sa buhay natin wala na tayong magawa kundi magpatirapa sa trono ng Dios upang umiyak ng umiyak, at isang kagalakan na sa paanan ng Dios na ating pinagbubuhusan ng dalamhati ay nakikiramay Siya sa atin ng lubusan. Nagagalak ang aking puso na malaman na si Hesus ay mayroong emosyon na katulad nating mga tao. Nararamdaman Niya ang ating nararamdaman, at alam Niya kung ano ang aking nararamdaman maging sa oras ng kaligayahan o sa kalungkutan. Ako ay nagagalak si Hesus ay dumalo sa pagdiriwang sa mga kasalan at mga kapistahan. Ako’y nagagalak na malaman na Siya ay umiiyak sa mga libing, sapagkat alam ko na nauunawaan Niya ang mga emosyon ng isang tao. Nais ko ring sabihin sa inyo na ang Kanyang espesyal na kaugnayan kay Lazarus at ang Kanyang emosyon ng pakikiramay kay Mary at Martha ay hindi naging balakid upang tuparin ang kalooban ng Dios. Ang ibig mo bang sabihin kalooban ng Dios ang pagkamatay ni Lazarus? Ako’y lubos na naniniwala na ito ay totoo. Kung babasahin mo ang verse 4 iyon ang sinasabi doon. Ang ibig mo bang sabihin, kapagka kung minsan, ang kamatayan ng isang tao at pagdalamhati ng mga iniwan nito ay kalooban ng Dios? Kung babalikan ninyo ang mga naunang chapters sa John ay matutunghayan ninyo ang isang lalaking isinilang na bulag, at sinabi ni Hesus na ito’y hindi kasalanan ng kanyang mga magulang kundi ito’y nangyari upang ang Dios ay maluwalhati. Ang ibig mo bang sabihin mayroong layunin ang pagiging bulag sa loob ng 38 taon ng taong iyon? Kung ating wawariin ang ganitong mga pangyayari ay isang hiwaga ng buhay ng tao. Walang makakapagbigay ng tumpak na dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganito ngunit ito ang masasabi ko, ang mga modernong katuruan na napapanood natin sa telebisyon at nababasa sa mga libro na nagsasabi na ayaw ng Dios sa sino man ay magkasakit at magdusa at dumanas ng pagdalamhati ay isang maling paniniwala. ‘It’s a modern heresy’, sapagkat hindi ganoon ang aking nakikita sa buhay ni Hesus, hindi ko rin yan nakikita sa buhay ng Kanyang mga alagad. At dito sa John 11, si Lazarus ay nagkasakit at namatay para sa kaluwalhatian ng Dios. Hindi ko yan mapaliwanag, ngunit ang alam ko ito ay isang katotohanan. Hindi natin alam kung ano ang kanyang naging karamdaman ngunit ang sakit na ito ay kumitil sa kanyang buhay sa loob lamang ng maikling panahon. Tila siya ay naghirap sa sakit na yaon ng ilang linggo bago siya namatay at ang kanyang mga kamag-anak ay nagtiis na nakikitang naghihirap si Lazarus habang si Hesus ay nagpaliban ng ilang araw upang damayan sila hanggang siya ay mamatay. Sana nauunawaan ko ang lahat ng mga ito. Marahil mas mauunawaan natin ito kung tatanungin natin mismo ang Panginoong Hesus. Alam ninyo ako’y nagagalak na ang mga alagad ni Hesus, sila na nakaranas na makapakinig ng mga turo ni Hesus, napag-masdan kung paano pinatahimik ni Hesus ang bagyo, pabangunin ang patay, pagalingin ang mga ketongin, nakita ang lahat ng Kanyang mga gawa, ngunit kapag nangusap sa kanila ang Panginoon, ay hindi nila lubhang naunawaan. Ako’y nagagalak hindi nila maunawaan si Hesus, sapagkat hindi lang ako ang may mababaw ng pang-unawa. Kaya’t pagsapit ko sa langit at sinabi sa akin ng Panginoon “Jun, hindi mo nauunawaan”. Ok lang po Panginoon sapagkat hindi ako nag-iisa. Madalas kapag nagaaral ako ng Biblia, ako’y nagsisikap na maunawaan ang aking binabasa, ngunit hindi ko pa rin maunawaan, hindi ko pa rin maunawaan. Alam ninyo mayroong ugali ang mga alagad ni Hesus na malimit din nating gawin. Malimit nilang ‘nililiteral’ ang mga pangungusap sa kanila ng Panginoon. Magsasalit si Hesus ng pasagisag at sasabihin nila “Ah ang ibig mo ba sabihin Panginoon natutulog lamang si Lazarus?” ‘Of course Lazarus was really dead. We do it all the time, we take Him too literally’. Paulit-ulit na namimisunderstand nila si Hesus, tingnan nyo ang verse eight at verse 12. Isa pang bagay nanamangha ako ng labis ay ang himala na iyon ay para sa kanila at hindi para kay Lazarus. Tingnan nyo ang verse 15: “Para sa inyong kapakanan, mabuting wala ako roon, upang kayo’y sumampalataya. Gayunman, puntahan natin siya.” Sila ay naniwala ngunit kinailangan pa na palakasin ang kanilang pananampalataya. Kaya’t sinabi ni Hesus, pababangunin ko si Lazarus. Ginawa Niya ito hindi para sa kay Mary at Martha na nananangis, mayroong dalawang grupo dito sa chapter 11 na nakinabang sa himala na ito. Ang himala na ito ay ginawa para sa alagad ni Hesus at para sa mga Hudyong hindi naniniwala kay Hesus. Si Lazarus ay isa lamang paraan upang si Hesus ay maluwalhati. Itong himala na ito ay hindi pagpapala kay Lazarus. Ngayon, tingnan natin ang verse 16. Sinabi ni Tomas, na tinatawag na kambal, sa kapwa niya mga alagad, “Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya.” Ano ba ang sinasabi ni Tomas dito? Kung babasain ninyo ang konteksto sa naunang mga talata, nang sinabi ni Hesus na kinakailangan na sila ay bumalik sa Judea, sumagot ang Kanyang mga alagad, “Panginoon tinangka ng mga tao doon na patayin ka at batuhin ka, bakit nais mo na bumalik doon upang batuhin?” Pagkatapos nangaral na sa kanila ang Panginoon tungkol sa liwanag at paglakad habang may liwanag pa. Ang talagang sinasbi nila kay Hesus “Gusto mo ba talagang bumalik doon at mamatay?” Ngayon, ano ba palayaw ni Tomas? Hindi ba’t ‘The doubting Thomas’ ang tawag natin sa kanya?. Sa John 20, si Tomas na lumakad na kasama ni Hesus, napakinggan ang lahat ng mga hula tungkol sa kamatayan ni Hesus, noong namatay at nabuhay na maguli si Hesus, nagpakita si Hesus sa kanyang mga alagad, ngunit wala roon si Tomas, sinabi ni Tomas, “maliban na isuot ko ang aking mga daliri sa Kanyang tagiliran at butas sa Kanyang mga kamay, ay hindi ako maniniwala.” Siempre, nagpakita uli si Hesus nung sumunnod na linggo at pinagawa Nya kay Tomas ang isuot ang daliri nito sa Kanyang mga sugat. Kaya’t si Tomas ay tinawag na ‘the Doubting Tomas’. Alam nyo kung babasahin nyo ang John 14, marahil si Pedro nagkaroon ng laryngitis, hindi natin siya narinig na nagsalita, ngunit si Tomas nagsalita kay Hesus at nagsabing “Hindi ko alam kung saan Ka patutungo”, Dito sinabi ni Hesus ang dakilang pangugusap na “I Am the Way the Truth, and the Life” bilang sagot sa pagdududa ni Tomas. Alam nyo ako’y nagagalak sa mga taong nagtatanong ng hayagan sa Dios, sapagkat kadalasan sila ang nagdudulot ng pagpapala para sa kanilang sarili at para sa iba. Sapagkat ipapakita at aakayin sila ng Dios sa katotohanan sa gitna ng kanilang pagdududa. Tinatawag nating Tomas ‘the doubter’ itong tao na ito, ngunit tingnan nyo ang vs 16, Si Tomas ang nagsabi sa kapwa nyang alagad na papapaslangin si Hesus sa Judea kaya’t “Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya.” ‘Does that sound like a doubter to you? Thomas is a strange paradox of faith, and courage, and hope, and fortitude, and doubt, and fear, and despair, and despondency, and frustration, and so are you and so am I’. ‘I’m so glad Tomas the doubter came out in the Bible. The Bible presents men, warts and all because all men have warts, spiritually speaking of course’. Hindi ba’t ganoon talaga ang buhay natin? Hindi ba’t mayroong araw na pakiramdam mo na tila napakalakas mo, committed, so spirit-filled? Hind ba’t mayroon din namang mga araw ng pagdududa at pag-alinlangan na tinatanong natin ang Dios kung minsan “baka naman nagkakamali Ka Panginoon”? Ito ang mga alagad ni Hesus, mga ordinaryong tao na katulad natin. Ngayon, itong si Lazarus, wala tayong sapat na pagkaalam tungkol sa taong ito. Malamang siya ay isang tanyag na Hudyo sa kanyang kapanahunan, sapagkat maraming dumalo sa kanyang libing at nakiramay sa kanyang 2 kapatid. Hindi natin siya kilala ng lubos ngunit ang kamangh-mangha ay mayroong ‘divine purpose’ ang kanyang pagkakasakit at pagkamatay. Sana ay maunawaan ko ng lubos ang katalagahan ng Dios, ang kasamaan, ang pagdurusa at paghihirap. Sabihin ko man sa inyo, malamang hindi ninyo ako paniniwalaan. Ngunit ako’y naniniwala, ayon sa nababasa ko sa Biblia, ang Dios nagdudulot ng kabutihan out of evil, at liwanag mula sa dadiliman, at kaayusan mula sa kaguluhan. At ito’y patuloy na ginagawa ng Dios, bagama’t sinasabi sa Biblia na minahal ni Hesus si Lazarus, ay kinasangkapan pa rin ng Dios ang pagkamatay ni lazarus, at namatay si Lazarus na hindi nya alam kung bakit. Hindi ba’t parang may pagkakahawig sa buhay ni Job. Sinabi ni Job sa Dios, “bagama’t ako’y Iyong pinaslang, paglilingkuran pa rin kita. Naranasan nyo na ba ang ganitong sirkumstansya sa inyong buhay? Hindi natin maipaliwanag ngunit alam natin na ito’y totoo. Ngayon sa verse 21, Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid.” Itong si Marta ang hindi masyadong espiritual, ngunit pansinin ninyo si Mary ganoon din ang sinabi kay Hesus, lumuhod siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid.” Hindi nyo na napansin na mayroong tila paninisi sa tono ng kanilang salita kay Hesus? “Panginoon, nasaan ka nung kailangan ka namin. Hindi ba’t mga kaibigan mo kami? Pinatuloy ka namin sa aming tahanan. Sinamba Ka namin, nagtiwala kami sa Iyo. Bakit mo pinahintulutan na mangyari sa amin ito?” Have you ever felt like that? Naalala ko ang propetang si Jeremias, na kilala bilang “the weeping prophet” noong sinabi sa kanya ng Dios na hindi siya uubrang mag-asawa, sinabihan siya na ang lahat ng kanyang dala dala ay ang mensahe ng paghatol, na nagsabi sa kanya na kailangan iwan niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Isang araw sinabihan niya ang Panginoon na tila baga isang ilog sa ilang na hindi niya alam kung may tubig. Hindi ba’t kalapastanganan sa Panginoon na hindi tapat at pagdudahan Siya? Palagay ko mas nais ng Dios ang karangalan ng pagdududa o pag-aalinlangan kaysa sa huwad na kabanalan. Mayroong mga araw na hindi ko gusto ang ginagawa ng Dios sa aking buhay, ngunit palagay ko pinapahalagahan Niya kapag sinasabi ko sa Kanya ito ng harapan, katulad ni Mary at Martha na walang takot na sabihan si Hesus, “nasaan Ka ng kailangan Ka namin”? Normal lamang sa isang tao na magdamdam sa Dios sa mga hapdi at kirot na nararanasan niya sa buhay, at palagay ko hindi nagagalit ang Dios kapag tapat nating ibinubuhos sa Kanya ang ating mga nararamdaman. Hindi pinagalitan ni Hesus si Mary at martha, sa gitna ng tila bagang walang panananampalataya sa Kanya. Alam ni Hesus na ang kanilang sama ng loob sa Kanya ay karapat dapat lamang. Ang pagdadalamhati ay normal lamang sa tao. Siya ay pumasok sa dalamhati ng 2 taong ito. Siya ay naki-isa sa kanilang hapdi ng pagdurusa. At palagay ko natupad ni Hesus ang kanyang layunin sa pamamagitan ng pagpapahintulot na mangyari ang mga bagay na sa paningin ng tao ay dagok sa kanilang buhay. Palagay ko sa gitna ng mga bagay na ito, naipamalas ni Mary at Martha ang dakilang pananampalataya kay Hesus at kailansabay naipakita nila ang matinding kabiguan kay Hesus at dahil sa kanilang ginawa, ako’y kumportable sabihin kay Hesus, Panginoon kung naririto ka lamang hindi mangyayari sa akin ito. Panginoon kung minahal mo lamang ako ng tapat hindi ako magkakaganito. Ang lahat ng pighati at pasakit sa buhay ng isang Kristiyano ay kabalintunaan sa pagkakakilala natin sa Dios ng pagibig, ngunit ang katotohanan niyan ay nangyayari ang mga bagay na yan sapagkat iniibig tayo ni Hesus. He cares for us! Ang susunod na grupo ng mga tao na nais kong talakayin ay ang mga kaibigang Hudyo na nabanggit sa verse 19. Alam nyo po sa kultura ng mga Hudyo kung nais ninyong ipakita ang inyong katapatan sa pakikiramay sa mga namatayan, ay magsasama kayo ng tagatugtog ng plauta o dili kaya naman uupa kayo ng ‘professional mourners’. Alam nyo po ang Jewish funerals ay kakaiba, sapagkat ito’y maingay. Ang maririnig ninyo ay mga iyak at pagtaghoy na ubod lakas. Kung nakapanood na kayo ng mga Jewish funerals sa TV, alam nyo ang aking sinasabi. Isipin nyo noong ibinalita ni Martha kay Mary na dumating si Hesus at dali daling lumabas ng bahay, sinundan sya ng mga taong ito sa pag-aakalang pupunta sya sa libingan ni Lazarus upang manangis. Nahabag si Hesus hindi lamang para kay Martha at Mary, kundi pati sa mga taong ito na nakikiramay sa dalawa. Sa verse 42 sinabi ni Hesus: “Alam kong lagi mo Akong pinakikinggan, ngunit sinabi ko ito para sa mga taong nakatayo rito, upang sila’y maniwala na isinugo mo Ako.” Pagkasabi niya nito, sumigaw Siya nang malakas, “Lazaro, lumabas ka!” Alam nyo, hindi naman talaga dapat sumigaw si Hesus ng ganon. Uubra naman na ibulong nya ito, at mangyayari nga. Ngunit kinailangang gawin Niya yon para sa kapakinabangan ng mga Hudyong di naniniwala sa Kanya. Sa palagay ko, ito’y napakahalaga sapagkat, bagamat Si Hesus, Dios Anak na nagkatawang-tao na mismo ang nagpamalas ng kamangha-manghang himala na ito, hindi pa rin naniwala ang lahat. Kalahati lamang ang nangagsisampalataya at kalahati ang lumayas upang ireport si Hesus sa mga autoridad sa bintang na gumagawa ng kaguluhan. Alam ninyo sa ating panahon, tuwing ipapangaral natin si Hesus at ang Kanyang alok ng kaligtasan, nagkakaroon palagi ng pagkakahati-hati sa mga tao. Malimit akong namamangha, andito si Hesus nangangaral ng kapatawaran ng Dios sa kasalanan, buhay na walang hanggan, at ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng isang simpleng pagtiwala sa Kanya at sa Kanyang ginawang sakripisyo sa Krus. Kung hindi ka magtitiwala sa Kanya, aniya, mayroong walang hanggang paghihiwalay, walang liwanag, at walang kaligayahan, at alam ninyo kung saan ako namamangha kapag ibinabahagi ko ang ebanghelyo ng biyaya, ang ebanghelyo ng childlike faith, at ang pag-ibig ng Dios sa Panginoong Hesus? Alam nyo kung saan ako nagugulumihanan ng higit sa lahat ng bagay? Hindi sa mga taong nangagsisisampalataya. Kundi sa mga taong tumatanggi sa harap ng mga himala na ipinapamalas ng Dios. Ang pangatlong grupo ng tao na ating pag-aaralan ay ang mga escriba, Pariseo, at mga Sadduceo. Itong mga tao na ito na bihasa sa Matandang Tipan. Batid nila ang mga hula, alam nila ang mga katotohanan tungkol sa Mesias. Batid nila na Si Jesus ay nangusap at gumawa ng may kapangyarihan; nangaral sa mga dukha, at nag-buhay sa mga patay, at marami pang himala. Nagpagaling sa mga bulag; ang lahat ng mga ito ay hula tungkol sa Mesias sa Matandang Tipan, ngunit dahil sa kanilang hidwang paniniwala, sadya nilang tinanggihan ang mga nakita ng kanilang mga mata. Nangyayari din ba sa atin yan kapagka-minsan? Alam na alam natin na gagawin ng Dios ang lahat ng mabuti sa atin, ngunit kapag naghimala na sa atin ang Panginoon, hindi tayo makapaniwala? Si Caiaphas ay kabilang sa grupong ito – katuwa-tuwa nangusap si Caiaphas ng isang hula sa Matandang Tipan, nang sinabi niya na “mas mabuting mamatay ang isang tao kaysa ang buong bansa ang mamatay”. Hindi ba’t tunay na si Hesus ay mamamatay para sa buong sangkatauhan ngunit ito’y lingid sa kanilang kaalaman. Hindi ba kakatuwa, ginagamit ng Dios ang bibig ng Kanyang mga kaaway upang ipahayag ang kanyang katotohanan? Nais kong sabihin sa inyo na darating ang isang araw, gagamitin ng Dios ang bawat bibig upang purihin ang Kanyang Anak. Ginamit nga Niya Si Caiaphas dito upang ipahayag ang katotohanan tungkol kay Hesus. Alam nyo kung ano ang ‘impact’ nito sa akin? Na hindi na ako magkakaroon ng ‘guilty feelings’ kapagka kung minsan ay pinagdududahan ko ang Dios; kung minsan naiisip ko baka ako’y naloko lamang ng aking nabasa sa Biblia kapag hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang kasamaan ng pagpaslang sa isang 84 anyos na matandang babaeng Kristiyano, o dili kaya ang pag-rape sa isang sanggol na babae? Alam ko nakakaranas din kayo ng pagdududa sa Dios. Bakit hinahayaan ng Dios mangyari ang mga kabuktutan sa mundo? Ang napakaraming inosenteng bata sa Ethiopia na namamamatay sa gutom, bakit pinapayagan ito mangyari ng isang Dios ng pagibig? Paano ito tutugma sa turo ng Biblia tungkol sa kabutihan ng Dios? Paano ako mabubuhay sa ganitong kabalintunaan? Kapagdaka’y nagsisisi ako sa aking sarili na naiisip ang ganyang mga katanungan at pagdududa. Ako’y nagagalak na malaman na kilala ako ni Hesus sa aking pagdududa at pananampalataya, kalakasan at kahinahaan. Iniibig Nya ako sa kung ano ako. Ako’y nagagalak na malaman na nauunawaan ni Hesus na tayo’y galing lamang sa alabok – mahina. ‘That is what gives me encouragement, more than anything else. He loves me, He cares for me despite my frailties as a human being. He knows, because He is one of us!’