(basahin ang Juan 4:1-26) Ang tanging paraan upang maunawaan natin ng tumpak ang Biblia, ay sa pamamagitan ng pag-unawa sa layunin ng orihinal na may-akda (na siyang tanging kinasiyahan ng Banal na Expiritu) kung bakit nya isinulat yaon, mga sirkumstansya na bumabalot sa aklat na iyon at kung ano ang pagkaunawa ng mga tao na pinaguukulan ng aklat na iyon sa larangan ng kanilang kultura at kapanahunan. At ang layunin na ito ay ipinapahayag sa maraming kaparaanan. Sa Ebanghelyo ni San Juan ang layunin ng may-akda ay ipinapahayag sa pamamagitan ng kaparaanan na sa palagay ko ay napakadaling maunawaan. Ito ay mga ilang panayam o dialogo, at sa mga panayam na ito ay makikita natin ang mga taong pinaguusapan si Hesus, o si Hesus nakikipagusap sa isang tao, at maraming bagay ang napaguusapan tungkol sa Dios, tungkol kay Hesus, at tungkol sa tao, at tungkol sa kalooban ng Dios para sa tao, at ang yaon ay lubhang mabisa at tumatalab. Ngunit alam nyo, sa paggawa ng komentaryo sa Ebanghelyo ni San Juan, mapapansin ninyo tila ito’y nagiging paulit-ulit sapagkat, ang mga pangyayari ay nagbabago, ang mga taong sangkot sa usapin ay nagbabago, but the theology of human need of the love of God; of the centrality of Christ; at ang pangangailangan ng tao na tumugon sa pamamagitan ng pananampalataya ay hindi nagbabago. Ito ay mga katotohanan na patuloy na paiko-ikot lamang sa Ebanghelyo ni San Juan. Si Juan bilang pinakahuling may-akda ng ebanghelyo, marahil ay 50 taon makalipas isulat ang 3 naunang mga Ebanghelyo, ay nagsisikap na punan ang mga nakaligtaan na isulat ni Markos, Lukas, at Mateo, at sinisikap din nya na tugunan ang mga pangangailangan ng Iglesia upang sugpuin ang mga hidwang pananampalataya namumuo sa Iglesia ng unang siglo. Kaya’t ang ginagawa ni Juan ay binibigyan tayo ng iba’t ibang impormasyon, pinapagtagni-tagni sa isang paraan na pupukaw sa ating isipan. Naaalala nyo si Nicodemus sa Juan ikatlong kabanata? Inilarawan dito si Nicodemus bilang si Mr. Religioun. Alam nyo ba na ang pinakamahirap patotohanan tungkol kay Hesus ay isang animo’y matuwid na relihiyosong tao? Walang taong hihigit dito na aamin ng kanilang pangangailangan, hindi ng isang moralidad para isang makasalanan ng pagsunod sa kautusan, kundi ng isang moralidad na nakabatay sa isang personal na relasyon sa Dios na namatay para sa kanila. Napakahalaga na ang personal na relasyon na ito ay maitaguyod sa buhay ng bawat nilalang. The story of Nicodemus in chapter 3 is one bookend and the other bookend is chapter 4 Mrs. Irreligious – the woman at the well. Ito ay sadyang isinaayos upang ipakita sa atin na sa pagitan ni Nicodemus at ang Samaritana sa balon ng Sychar ay ang lahat ng mga nilalang. Ito ay isang paraan upang sabihin na ang lahat ng mga tao, matuwid man o halang na kriminal ay nakapaloob sa sinasabi sa John 3:16 na “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Nais kong talakayin ngayon ang John 4. Marahil ang pinakamagaling na transition mula sa chapter 3 patungo sa chapter 4 ay tinatawag ng marami na ‘vertical dualism’ – sapagkat sinasabi ni Hesus, simula sa verse 31, “Ang nanggagaling sa itaas ay mataas sa lahat, ang galing sa lupa ay taga-lupa nga, at nagsasalita tungkol sa mga bagay sa lupa; ang nanggagaling sa langit ay mataas sa lahat. Nagpapatotoo siya ng kanyang nakita at narinig, ngunit walang taong tumatanggap ng kanyang patotoo. Ang tumatanggap ng kanyang patotoo ay nagpapatunay dito na ang Diyos ay totoo. Sapagkat Siya na sinugo ng Diyos ay nagsasalita ng mga salita ng Diyos, sapagkat hindi niya sinusukat ang pagbibigay niya ng Espiritu. Minamahal ng Ama ang Anak at inilagay sa kanyang kamay ang lahat ng mga bagay.Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; ngunit ang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay nananatili sa kanya.” Ngayon inaangkin ni Hesus ang namumukod tanging kapangyarihan. Inaangkin Niya ang kapangyarihan na kumakatawan sa nag-iisang Dios na hindi nakikita. Itong si Hesus na isang hamak na anluwagi wa walang pinagaralan sa larangan ng relihiyon, mula sa isang hamak na bayan sa Galilee, na Siyang nagsasabi at nangangaral sa mga Hudyo, “Aking inihahayag sa inyo ang Ama”. Ang pagtawag sa Dios bilang Ama ay isang kapangahasan sa mga Hudyo, anupa’t sinasabi ni Hesus sa kanila na Siya’y ang opisyal na kumakatawan sa Ama, now Jesus is either a lunatic, a liar or the Son of God who He says He is. Ngayon kailangan natin magpasya kung sino talaga Siya sa inyo. Iyan lamang 2 yan ang pagpipilian. Now let’s pick up the next bookend. From Mr. Religion in chapter 3 to Mrs Irreligion in chapter 4. Ito ay nagpapasimula sa isang pagtatalo ng mga alagad ni Juan Bautista at sa ilang mga Hudyo, palibhasa’y mas maraming tao ang binabautismuhan ni Hesus kaysa kay Juan, ay tila sila’y nagkakaroon ng paligsahan kung sino ang mas magaling magbaustismo. Nalaman ni Hesus na nabalitaan ng mga Fariseo ang pangyayaring ito. kaya’t ang ginawa ni Hesus ay tumigil sa pagbabautismo at dali-daling bumalik sa Galilea. Ngayon sa isipan ninyo ilarawan ang mapa ng Palestino. Ang Judea ay nasa ilalim, sa pagitan ay ang Samaria sa gilid ng dagat ng Galilea, at sa itaas ay ang Galilea. Most self-righteous Judeans would cross over across the Jordan and go up the Transjordan just so they wouldn’t set foot in the hated Samaritan territory. Hindi sila makabili ng pagkain doon sapagkat ang mga tao doon ay marumi. Ganoon kamuhiang mga Hudyo sa mga Samaritano. Ang sabi nila, ang mga Samaritano day ay nilikha ng Dios upang ipanggatong sa mga apoy ng impiyerno (well that’s a great purpose in life). Kung ikaw ay Hudyo at meron kang nakita na samaritanang manganganak sa lansangan, hindi mo uubrang tulungan ang tao na yon. Hindi mo rin uubrang alukan ng tubig mula sa tasang iniinuman mo. Nawawari mo ba yung pagkapoot nitong mga Hudyo naito sa mga Samaritano? If you missed the racism of the parable of the Good Samaritan and the racism of this chapter, hindi mo mauunawaang lubha ang buong Biblia. Kamusta kayo? Meron ba kayong kinapopootang grupo ng tao? Meron ba kayong kinamumuhiang tao dahil sa kulay ng kanilang balat? Dahil sa kanilang kakulangan ng edukasyon? O mga bagay sa ating sariling kultura? Mayroon ba kayong kinapopootang tao ngayon? Ito mismo ang pinaguusapan natin dito sa mga talatang ito. Ang susi upang maunawaan natin ang susunod na talata, ay ang salitang ‘dia’, na kadalasa’y na nangangahulugan ng pangangailangan moral ‘moral necessity’ na kailangan nin Hesus na dumaan sa Samaria patungong Galilea. In other words, there was a divine appointment for Jesus to pass through Samaria. Kaya’t “sumapit siya sa isang lunsod ng Samaria na tinatawag na Sicar,…” Ang sabi ng iba ito raw ay ang lungsod ng Shechem, sapagkat dito raw bumili si Jacob ng lupa malapit sa bundok ng Gerizim, kung saan itinayo ng Samaritano ang kanilang templo, at ang pangyayari na ito ay magiging isang isyu kung paano tatanggapin at iibigin ni Hesus ang pinakapopootang mga tao ng mga Hudyo. Naroon ang balon ni Jacob. Ang turing ay balon ng Sicar, ngunit marami ang nagaakala na ito ay Shechem. Noon ay malapit nang magtanghaling-tapat. Kadalasan ang mga kababaihan ang syang umiigib ng tubig paras sa pamilya. Sabay sabay sila umiigib tuwing umaga sapagkat matindi ang init sa katanghaliang tapat, ngunit itong babaeng ito ay bukod tangi na kumuha ng tubig sa katanghaliang tapat sapagkat batid nya na wala ng mga tao sa mga oras na yaon. Ang babaeng ito ay isang patapon ng lipunan. This lady is not just a member of an outcast group, this is an outcast of the outcast group. At siya ay isang babae. Alam ninyo ang mga babae noong unang panahon ay ang pinakamababa ang pagtrato sa lipunan (kaya’t mapalad kayong mga kababaihan ngayon panahon ngayon….at kilala nyo ba ang tunay na nagpalaya sa mga kababaihan?… Si Hesus ang nagpalaya sa mga kababaihan. Ganuon din sa mga bata. Mga bata nuong unang panahon ay hindi binibigyan ng halaga ng katulad ngayon. At si Hesus ang tunay na nagmahal at kumalinga sa mga bata, kung papaano nya bibigyan ng halaga ang babaeng ito, na patapon na sa kanilang bayan. So narito ang isang babaeng paparoon sa balon upang sumalok ng tubig, at narito naman ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ng balon, at Siya’y isang Hudyo, at humingi ng inumin. Nagulantang ang babae, “Ako isang Samaritana na hinihingan mo ng inumin?, Hindi nararapat na ako’y iyong kausapin sa harap ng madla sapagakat ako’y isang Samaritana, at isang babae.” Ang babae ay nagimbal sapagkat batid nya na bawal uminom and isang Hudyo mula sa tasa ng mga Samaritano ayon sa Leviticus 15. Kung alam ninyo ang kasaysayan ng mg Samaritano – Yung 10 northern tribes ng Israel ay nalupig ng mga Assyrians noong 722BC Nahulog sa mga kamay ng Assyrians ang Samaria ang kanilang capital city, at lahat ng northern tribes ay dineport sa Median. Nagpapasok ng ibang mga lahi ang Assyrians dito sa Samaria, at nakipagasawa sa mga natirang mga Hudyo doon, at yung mga anak nila ang naging mga Samaritano ngayon na nagtayo na kanilang templo sa bundok ng Ebal at Gerizim sa pagitan ng lungsod ng Shechem. At mayroon pang mga tao na sumasamba sa lugar na yaon ngayon. So here is Jesus, and here is this outcast woman, and Jesus asked her for a drink, and she’s shocked. Alam nyo po kapag kinakausap ni Hesus ang Kanyang mga alagad, madalas hindi sya maunawaan. Si Hesus ay nasa espirituwal na level, habang ang mga tao ay nasa pisikal na lebel. (Naalala ko sa John 11 tungkol kay Lazarus, ang wika ni Hesus sa Kanyang mga alagad, “ang ating kaibigang Lazarus ay natutulog, at Ako’y paparoon upang gisingin siya. Hindi naunawaan ng Kanyang mga alagad na ang ibig sabihin ni Hesus sa natutulog si Lazarus na si Lazarus ay patay na. Ang pagaakala nila ay nagpapahinga lamang si Lazarus). Ganundin si Nicodemus, ang wika’y “Papaano ako ipapanganak na muli? Ako’y lubhang napakalaki upang pumasok sa sinapupunan ng aking Ina?”, at itong babaeing ito ang wika’y “Wala ka namang timba at lubid upang sumalok ng tubig. Ang babae ay nasa surface level, at si Hesus naman ay nagwiwika ng isang espirituwal na bagay, tungkol sa buhay na tubig. Ang ginamit na katagang “balon” dito ay hindi isang bukal. ito ay isang balon na hinukay na pinaglalagakan ng tubig-ulan. So Jesus is going to have a play on what they would call dead water versus springfed living water. He’s going to play on that to get her mind, to catch your mind. In verse 10 in Greek it’s a second class conditional sentence – a false statement is going to be made to highlight a false conclusion. So notice in verse 10, it runs something like this, Jesus is talking to her and He says, “Kung alam mo lamang ang kaloob ng Dios na hindi mo naman alam, at kung sino ang humihingi sa iyong inumin, na hindi mo naman kilala, Siya ang magbibigay sa iyo ng Buhay na Tubig.” Lantad naman na hindi nya kilala ang Lalaking ito na huminhingi sa kanyang inumin. Sa verse 11, “Sinabi sa kanya ng babae, “Ginoo, wala kang pansalok ng tubig, at malalim ang balon. Saan ka ngayon kukuha ng tubig na buháy?” Ang Ginoo dito ay ang salitang kurios na ang ibig sabihin ay sir or mister, ngunit sa ibang pagkakataon katulad sa Romans 10:13, “Sapagkat, Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas” na ang Panginoon kurios dito ay nangangahulugan ng Dios. That’s how they pronounced the covenant Name fpr God Yahweh as Lord Adon. So nakabatay sa konteksto ang paggamit ng salitang ito. So obviously, tinuring lamang niyang mister si Hesus dito, “Higit ka bang dakila kaysa sa aming amang si Jacob…” – that’s the whole point why do you think in chapter 8 of John verse 53, nang tinanong Siya ng mga Hudyong naniniwala sa Kanya, Mas dakila ka pa ba kaysa sa aming amang si Abraham, na namatay?”. At sumagot si Hesus, “…bago pa man si Abraham ay Ako Nga.” Katotohanang sinasabi sa kanila ni Hesus na “Ako’y mas higit pa sa mga Ama ng Israel. Ito mismo ang Kanyang sinabi at nagimbal ang mga Hudyo kung papaano rin nagimbal itong babaeng Samaritana. Ngayon pansinin nyo ang sinabi sa kanya ni hesus, sa verse 13 at 14, “Ang bawat uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw, subalit ang sinumang umiinom ng tubig na aking ibibigay ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kanya ay magiging isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan.” Wari bagang sinasabi ni Hesus, iniibig ko ang lahat ng taong mga makasalanan, katulad sa pagibig Nya sa mga taong nagtiwala sa kanya sa verse 42. Siya ang tagapagligtas ng buong sanlibutan, katulad ng John 3:16, “upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya”, katulad din naman ng John 1:12, ” Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan ay kanyang pinagkalooban sila ng karapatan na maging mga anak ng Diyos,”. WHOSOEVER, kalakip dito ang self-righteous na si Nicodemus, at kalakip din dito ang Samaritana na patapon ng lipunan, at sa pagitan ng 2 ito, ikaw at ako ay naririto, kalakip rin dito. Wala akong pakialam kung sino ka, marahil ikaw ay isang relihiyoso katulad ni Nicodemo o isang taong matindi ang pangangailangan katulad ng Samaritana, sinasabi ko sa iyo, i am telling you with the full force of His love, He loves you. Iniibig ka ng Dios. Walang kinalaman dito ang kung anong karumaldumal na kasalanan na ginawa mo; o mga bagay na hindi mo ginawa, ang nakasalalay dito ay ang Kanyang karakter. Siya ay Dios ng pagibig, kaya nga kung tawagin natin Siya ay Abba, samakatuwid baga’y ating Ama. Iniibig ng Dios ang lahat ng Kanyang nilalang. At ito ang pagibig ng Dios na lumaganap sa buong sanlibutan. “Ang bawat uminom ng tubig na ito ay muling mauuhaw, subalit ang sinumang umiinom ng tubig na aking ibibigay ay hindi na mauuhaw magpakailanman. Ang tubig na aking ibibigay sa kanya ay magiging isang bukal ng tubig… “ Ito ay nagpapaalala sa atin ng John 7:38, mga pangungusap ni Hesus, “Ang sumasampalataya sa akin, gaya ng sinasabi ng kasulatan, Mula sa kanyang puso ay dadaloy ang mga ilog ng tubig na buháy.” Maalala ninyo na si Juan lamang ang bukod tangi sa tatlong may-akda ng synoptic Gospels ang malimit na magsalita tungkol sa buhay na walang hanggan. Eternal life, ito ang ang salitang Zoe na ang ibig sabihin ay God’s kind of life. New Age life – not quantity of earthly life, this is the quality of heaven life. This is the relationship of the Garden of Eden before the fall. This is the intimacy of Jesus and the Father in John 17. Sinabi sa kanya ng babae, “Ginoo, bigyan mo ako ng tubig na ito upang ako’y hindi na mauhaw o pumarito pa upang umigib.” Pansinin ninyo ang sinabi ni Hesus sa kanya. Jesus is going to prick her conscience about her need, about her greatest need. “Tawagin mo ang iyong asawa at bumalik ka rito. Ang babae ay sumagot sa kanya, “Wala akong asawa.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tama ang sabi mo, ‘Wala akong asawa; sapagkat nagkaroon ka na ng limang asawa, at ang kinakasama mo ngayon ay hindi mo asawa…” Sa pagkakataong ito, nawawari na ng Samaritanang ito na ang kanyang kausap ay hindi lamang isang pangkaraniwang Hudyo. Inihahantong na siya ni Hesus sa tunay na kahulugan ng Buhay na Tubig na ito, at ang dapat na maunang mapagtanto ng isang tao tungkol sa Mabuting balita, ay ang masamang balita ng pagrerebelde ng tao. Hindi Niya kinukunsinti ang kasalanan ng babaeng ito, at hindi rin naman Sya napapatisod nito. Tila bagang batid Nya na nais ng Ama na Kanyang katagpuin ang nilalang na ito, Bakit? Upang ipaalam sa kanya at sa buong sanlibutan, Na iniibig tayo ng ating Tagapaglikha. Hindi ko tunay na batid kung sino kayo, o kung anong kasalanan ang inyong nagawa, hindi ko batid kung kayo man ay naging patapon ng lipunan, ngunit nais kong sabihin sa inyo, iniibig ka ng Dios mong lumikha sa iyo, at nais nyang makipagsalumbuhay sa iyo. Ako’y namamangha na nais ng Dios na tayong lahat ay makabilang sa Kanyang pamilya at hindi Sya magsasawa kailanman ipahayag ang Kanyang karakter ng pagibig sa ating lahat. Kapag ikaw ay nagpapatotoo tungkol sa Panginoon, malimit ang tao ay umiiwas at pilit na iniiba ang usapan. Katulad ng Samaritana na ito, at katulad din ni Nicodemo sa chapter 3, pilit na umiiwas sa tunay na nyang pangangailangan. Tumugon ang Samaritana, “Ginoo, nakikita kong ikaw ay isang propeta. Sumamba ang aming mga ninuno sa bundok na ito; ngunit sinasabi ninyo na ang lugar na dapat pagsambahan ng mga tao ay sa Jerusalem.” Sinabi sa kanya ni Jesus, “Babae, maniwala ka sa akin na darating ang oras na inyong sasambahin ang Ama, hindi sa bundok na ito o sa Jerusalem. ninyo ang hindi ninyo nakikilala. Sinasamba namin ang nakikilala namin sapagkat ang kaligtasan ay mula sa mga Judio.” Ang tinuturan dito ni Hesus ay ang mga pangako sa Matandang Tipan tungkol sa Mesias, at m agigimbal ang Samaritanang ito. Palagay ko hindi natin nawawari na ang ginawa ni Hesus ng paglilinis ng templo sa chapter 2 ay isang radikal na pagpapahayag ng Kanyang pagka-Dios na tila sa Kanyang ginawang yaon ay sinentensyahan na Niya ang Kanyang Sarili. Na pinahayag Nya na ang tanging pagasa ng bansang Israel ay hindi pagsunod sa kanilang Kautusan kundi Siya at tanging Sya. Kanyang tatanggihan ang Judaismo sa bundok ng Moriah, at tatangihan Nya ang pagsamba ng mga Samaritano sa bundok ng Gerizim. At Kanyang sasabihin darating ang araw, at ngayon na, kung nais nyong makilala ang Dios dapat ninyong Kilalanin ako. It doesn’t matter where you worship, whether in a big building, in a makeshift, under a big tree, or in a hotel room. It’s not the accoutrements of worship, it’s not the merit of the worshipers, it’s not the Liturgy of the worshipers, it’s the object of the worshipers and if the object is anything but the crucified resurrected Jesus Christ, you will never make it to heaven. Ang katotohanan na ito ay kagimbal-gimbal sa Samaritana at kagimbal gimbal din para sa atin. Na bagamat ang lahat ng ating pagpupunyagi na abutin ang Dios sa pamamagitan ng ating mga gawa ay bale-walang lahat, ngunit ang Dios mismo ng Biblia ang Syang nanaog upang abutin tayo at dalhin tayo sa Kanyang Sarili. At sinabi sa kanya ni Hesus darating ang oras na hindi sa bundok na ito o sa Herusalem,… ito ay napakaradikal na pangungusap para sa mga Hudyo at para sa mga Samaritano, sapagkat ang lahat ng kanilang mga paniniwala at pagasa ay konektado sa templong iyon, at pinalis at binale walang lahat ni Hesus ng sinabi Nya sa Mateo 24, Markos 13, Lukas 21, “Gibain ninyo ang templong ito at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.” – Nakahanda na talagang patayin ng mga tao si Hesus dahil dito, sapagkat ang kanilang pagasa nakabatay na lahat sa templong yaon, sa Jewish sacrificial system, sa mga ritual na kanilang idinadaos sa dakong yaon, and Jesus wipes it all away. “Sinasamba ninyo ang hindi ninyo nakikilala. Sinasamba namin ang nakikilala namin sapagkat ang kaligtasan ay mula sa mga Judio.” That’s what Romans 9 is all about, do you catch what tha’s saying? “The hour is coming and now is…? Ito ay tungkol sa 2 pagparito ni Hesus na siyang nagdulot igting or tension sa Biblia. Isang pagparito lamang ang inaasahan ng mga Hudyo – Ang pagparito ng Mesias bilang isang Hukom, bilang isang makapangyarihang mandirigma upang gapiin ang mga kaaway ng bansang Israel. Ngunit ang problema, ay there were 2 comings. They missed the first coming of a Servant, a Saviour of Isaiah 53 and Zechariah 9. Yes they were right about a second coming in power and for judgment but they missed this first coming of a Servant. And so the truth is that, I believe the kingdom of God has been inaugurated in the life of Christ but it has not been consummated. “Subalit dumarating ang oras at ngayon na nga, na sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama…” Alam nyo hindi malimit na pinaguusapan natin ang Ama, nabanggit lamang Siya sa verse 21 at 23, at sa tuwing gagamitin natin ang salitang Ama sa Bagong Tipan ay kung sasambitin lamang natin Siya bilang Ama ng Panginoong Hesu-Kristo. Ganoon lang natin ginagamit ang salitang Ama, bihirang bihira. Alam nyo noong araw noong wala pa kaming anak misis ko, ang akala ko sa Dios Ama ang hanging Judge of the universe. Strikto. Bahagya’t kibot ay parusa ang dulot. Ngunit nung ako’y naging ama ng aming tahanan, nagbagong lahat ang aking konsepto tungkol sa Dios. Kung batid nyo lamang ang emosyon at attachment ng isang ama sa isang anak. Yung pagibig at hangarin ng pinakamagaling para sa kanya and aking nararanasan, ngunit kailangan ko rin maranasan ang pagrerebelde ng aking anak kapag kung minsan, at maunawaan ang lahat ng bagay tungkol sa pagpapalaki ng isang anak. Ngayon, alam ko na ang damdamin ng Dios Ama patungo sa atin, na Kanyang mga anak. Pansinin nyo ang huling bahagi ng verse 23, “…na sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at katotohanan,. Palagay ko ang sinasabi sa atin nito, ang tunay na pagsamba ay hindi sa pisikal o panlabas na pagkarelihiyoso. Ang tunay na pagsamba ay hindi isang gusali. Ang iglesia ay hindi isang gusali na pinagtitipunan ng mga tao minsan isang linggo, 2 hanggang 3 oras. Ang iglesia ay tayo mismo, tayong tumatawag sa Pangalan ni Hesus, at tayo ay isang maliit na bahagi lamang ng kabuuan ng iglesia ng Panginoon sa buong mundo. “sapagkat hinahanap ng Ama ang gayong mga sumasamba sa kanya…” – Alam nyo kung babasahin nyo ang John 6:44 at 15:16, na kung saan ay ang Ama mismo ang Syang naglalapit at inihihimatong tayo sa Kanyang Anak na si Hesus. ito ay napaka touching at poignant para sa akin sapagkat si Hesus mismo ang Syang nagkusa na pumaroon sa dako ng Samaria upang katagpuin itong isang patapon na patotot sa kanilang lipunan. Tinanggihan ng mga tao, kinamuhian ng lipunan, at sa gitna ng kanyang pagiging makasalanan, tinanggap at inibig ni Hesus. Kinatagpo ni Hesus ang babaeng ito, at dahil sa pangyayaring ito, marami ang nagsisampalataya kay Hesus. kinakatagpo din tayo ni Hesus. Si Hesus ang pagkabuhay na muli at buhay na walang haggan, Siya ang ilaw ng Sanlibutan, Siya ang tinapay na nanaog mula sa langit. Siya ay ang Dios ng Pagibig. Maging sino ka man, kinakatagpo ka ni Hesus ngayon. Bakit hindi mo ipagkatiwala sa Kanya ang iyong buhay?