ISRAEL – THE NATURAL BRANCH

“For I say to you, from now on you will not see Me until you say, ‘BLESSED IS HE WHO COMES IN THE NAME OF THE LORD!'”

Matt. 23:39 (NASB 1995)

Jesus has been teaching in the temple around chapter 21 to 23 of Matthew, and closes that section out by saying some startling things to the Jewish religious leaders – “Ye shall not see Me henceforth, till ye shall say, Blessed is He that cometh in the the name of the Lord”. Because of its open-eyed unbelief on its Messiah, Israel has been initially rejected by God as the instrument of the Last Days, but He has confirmed Israel as the instrument of the immediate Last Days. What I mean by that, is in Romans chapter 11 starting verse 7 through 25 is a discussion of the place of Israel in this particular part of history. And it mentioned that a blindness, or a hardness, or a callousness has come upon the mind of National Israel until a strange thing God does with the Gentile people, giving them an understandability about the Gospel until the Gentile world completely responds and the fullness thereof comes in. And then toward the end, God’s going to remove those blinders from Israel and as the ‘natural branch’ be right back in with the ‘unnatural branch’ grafted into the one people of God, which is to say His church. I am not inclined toward Dispensationalism really, but I know the centrality of the Nation Israel, and I also know the centrality of people of God (church). I think the strongest thing Jesus ever said to this effect is the parable of the man who planted a vineyard and rented it out to vine-growers. He sent hirelings to collect his dues but beat them up and drove them away. Finally he sent his beloved son, thinking that he would be treated with some respect, but killed him instead. This a beautiful parable of Israel’s rejection of their Messiah and their consequent rejection by God to be the instrument to bring God’s Redemption to the world. I think that parable is still in effect at this particular point in history.

Advertisement

THE CHRISTIAN’S ATTITUDE TOWARD GOVERNMENT

(read Romans chapter13) There is a difference in the Bible between how we treat civil government and how we look at it. Paul seems to be very respectful, and Peter seems to say the very same thing. But John in Revelation 13 calls human government the ‘Beast’ as the ultimate enemy of God. The anti-Christ is going to work through human government; so though we have a respect and reverence toward it, it is not ultimate. When the day comes where the government says, “worship me” or “do what i say”, or “i’m ultimate”, we stand up in love, and we die, and by our death and our attitude, God will win more to Himself. We don’t go get a gun and build a safe house, and store water and food, and kill everybody who comes.

Human government is ordained by God, but it should not be construed as its divine right. No one form of government is advocated above another. In Scripture, it is a religious duty for believers to obey civil authority with a proper attitude. It is proper for believers to support human government with their money and their prayers. Human government is for the purpose of order. They are God’s servants for a task. Human government is not ultimate in its authority. Believers must act for conscience sake in respecting civil authority, but not when in it oversteps its God-given bounds. In his book, City of God, Augustine asserted that we are citizens of two realms, one temporal, and one eternal. We have responsibilities, but God’s kingdom is eternal. We have a corporate responsibility as well as an individual response in a democratic society. We are to try to influence government by going into politics, if we can’t influence it along Biblical principles. However, we should remember that our hope does not come from government. It never will. It can’t. It won’t. We should encourage believers in a democratic system to actually participate in the process of government, and to implement when possible the teachings of Scriptures, but government will never solve the problem of human society.

If I may add, “If human beings are fundamentally good, no government is necessary; if they are fundamentally bad, any government, being composed of human beings, would be bad also”. ~Fred Woodworth, The Match!, No. 79

#government, #submission

WHAT DOES IT MEAN TO CALL ON THE NAME OF THE LORD?

In Genesis 4:26, after the the description of Seth’s son Enos, it says, “…at that time people began to call upon the Name of the Lord. That’s a very interesting statement. To call on the Name of the Lord basically means to worship Him. ‘To call on the name of’ is to pray to, and thus to indicate that you are worshiping a particular god or goddess, and calling on their name. You call on the the name of a false god, if you’re an idolater. The same terminology is used of false worship, as well as true worship. But notice that this is rather far long after Adam and Eve had many children and grandchildren and so on, then you suddenly get this reference to people ‘calling on the Name of the LORD’, and the LORD there is that Name that most of us know YHWH, the proper noun that means ‘the One who creates everything”, “the Creator”. The One who causes to be is literally what YHWH means; the One who causes to exist or causes us to be. This tells us that it was only after some generations that God revealed Himself through that proper Name. And what’s especially interesting is that after the Flood that Name apparently got lost again and had to be the subject of a re-revelation in Exodus 3:14 where Moses at the burning bush at Mt. Sinai says to God in the preceding verse, “Who are You? Who is this talking to me out of the bush?…”. Now Moses of course is thinking polytheistically all the different gods and goddesses and so on. “Which one are you?”. And God says, “I AM who I AM”, using a first person form of the name, and then switches it in the same conversation to the third person – “So tell them YHWH has sent you”. And so what Moses thus receives is the not the first revelation of that Name, but a re-revelation of it.

The fact that there had been a loss of knowledge of God’s personal name is an indication of how far humanity had degenerated , and how they had to be brought back to that knowledge. Of course that Name is not the only Name by which He’s known. He’s know by other names as well, but that was the Name His chosen people called Him up until the time of Christ. But think of the fact between the time of Enos and Exodus 3:14, that personal knowledge of God got lost and had to be reinstated. So you can say that the revelation to Moses and the Exodus story as a bringing back of sorts; i think it’s important to appreciate it because it tells you that there had been a falling away of knowledge of the true God in between the end of Genesis to the beginning of Exodus 3. Moses is highlighting for us the fact that at that re-revelation, which is very clear in Exodus 3 that he doesn’t know the Name YHWH.

#lord

ANG MGA TAONG MALAPIT KAY HESUS

Nais kong pag-aralan natin ang isang kabanata sa Ebanghelyo ni Juan at hayaan natin ang Banal na Espiritu ang mangusap sa bawat isa sa atin sapagkat sa ganang akin, ako’y walang kakayahan na icommunicate sa inyo ng wagas ang mga Salita ng Panginoon. Pinamagatan ko itong “Ang mga taong malapit kay Hesus”. Nais kong magbigay ng pangunahing panananalita pagkatapos ay talakayin ang ilang mga tauhan ng John chapter 11. Isa sa mga malimit nating makalimutan sa panahon natin ay dahil sa dakilang pagibig natin kay Hesus at dahil sa ating pagbibigay diin sa kung sino Siya at kung ano ang ginawa Niya, hindi natin napagwawari na iniaangat natin Siya sa isang angkop na pedestal ng pagka-Dios at pagka-may walang hanggan, na makatuwiran naman, ngunit sapagkat malimit natin gawin yon, nakakalimutan natin ang kapantay na katotohanan na si Hesus ay katulad din natin na isang tao. Tunay na napakahirap na magsalita tungkol sa Kanya bilang Dios sa walang hanggan at mangusap tungkol sa Kanya bilang isang tao na katulad natin sa isang paraan na makabuluhan para sa atin. Alam ninyo, ‘the early church they tended to lift Jesus up so high that they ignored his humanity. and one of the early church heresies was to assert the deity of Christ without his humanity; you probably know it as Gnosticism’. Sa ating kapanahunan naman ngayon, ay mapapansin natin na karamihan sa mga nagaangkin na si sila ay Kristiyano, binibigyan nila ng diin ang pagka-tao ni Kristo ngunit ngunit minemenos naman ang Kanyang pagka-Dios. Yong mga pelikulang ‘Jesus Christ Superstar’ at ‘Godspell’ ay mga pagtatangka ng ating kultura na bigyan ng diin ang pagka-tao ni Hesus at hindi binibigyan ng karampatang halaga ang Kanyang pagka-Dios. Alin man s dalawang ito ay mali, sapagkat ang Panginoong Hesus ay tunay na Dios at tunay na tao. Sa hapong ito, nais kong talakayin ang tungkol sa kanyang pagka-tao. Taong katulad natin na nagsesepilyo ng ngipin, naghihinuko, lubhang napagod sa kalalakad kaya’t napaupo na lamang sa tabi ng balon sa John 4. Palagay ko kung may Jollibee nung araw, malamang kumain din Siya ng hamburger kasama ng kanyang mga kabarkada. Siya ay tunay na tao. Batid Niya ang pait, sakit, ligaya na idinudulot sa atin ng ating pagkatao. Talos Niya ang limitasyon ng pagka-tao. Batid Niya ang pagkahilig sa kasamaan nito. At alam nyo ba ang dahilan kung bakit napakasarap na malaman na si Hesus ay katulad natin, ay sapagkat nauunawaan Niya ang buong saklaw ng ating mga emosyon. Batid Niya ang lahat ng sirkumstansya na nararanasan ng tao, at iniibig Nya tayo sa gitna ng ating mga kahinaan. Siya ay lumakad dito sa mundog ating nilalakaran. Alam nyo, isa pang bagay na ginagawa natin bagama’t maganda ang ating motibo, ay ginagawa nating ‘super heroes’ ang mga tauhan sa Biblia. Wala namang ‘super man’ at ‘super woman’, wala ring ‘lone ranger sa Biblia. Silang lahat ay mga pangkaraniwang tao katulad natin. Wala namang mga henyo sa mga pinili ni Hesus na maging alagad Niya. Walang namang ‘Albert Einstein’ na na naging alagad si Hesus, o’ kasing yaman ni ‘Henry Sy’. Ang Kanyang piniling mga alagad ay dalawang mangingisda, isang kurakot na BIR, isang rebelde, isang nanganglakal, lahat sila ordinaryong tao lamang sa lansangan ng Jerusalem. Alam nyo kung bakit napakahalaga sa akin na pinili ni Hesus ang mga pangkaraniwang tao? – ay sapagkat ganoon din tayo – ordinaryong tao. Sila ay pinili ni Hesus at inibig sila sa gitna ng kanilang mga suliranin. At ako ay nagagalak sapagkat ang sinasabi sa akin nito, ay iniibig ka ni Hesus sa gitna ng iyong mga suliranin. At ang mga suliranin ng mga tao sa Biblia ay hindi kakaiba. Ito ay suliranin ng buong sangkatauhan, at batid Nya ito, pamilyar Sya sa lahat ng mga pasakit at problema ng sanlibutan, ngunit iniibig pa rin Nya tayo. Alam nyo po, kung tayo ay nabuhay sa kapanahunan ni Hesus at nasaksihan ang lahat ng himala na Kanyang ginawa, at nakinig sa lahat ng Kanyang mga turo sa loob ng 3 taon, marahil ay hindi naman nagkakaiba o’ katangi-tangi ang naging kaugnayan ni Hesus sa mga taong naging malapit sa Kanya kung ihahambing sa maaring naging kaugnayan natin sa Kanya kung tayo ay nabuhay sa kapanahunan Nya. Sapagkat ang problema ng tao sa kanyang sarili ay hindi naman nagbabago. Problema nila noong araw, problema din natin ngayon. Sa ganitong diwa, nais kong pag-aralan natin ang mga tauhan sa John 11. Kung babasahin ninyo ang buong Ebanghelyo ni Juan, mapapansin ninyo na sa bawat kabanata ng aklat na ito, ang pagka-Dios ng Panginoong Hesus ang binibigyan ng diin. Paulit-ulit ang bawat kabanata sa pagtatanghal kay Hesus sa dako ng lubos na pagka-Dios. At ito ay totoo. At ang chapter 11 ay ang tinatawag na “I am the Resurrection and the Life” chapter. ‘O, what a chapter for the power of Jesus the Son over all of human frailty’. Nais kung talakayin ito sa ibang paraan sapagkat dito, bagamat Sya ay tinatanghal bilang Panginoon at Dios, mapapansin din natin ang iba’t ibang tao sa kanilang pakikipagugnayan sa Kanya, at ito ang nais kong gawin ngayon hapon – pag-aralan ang iba’t-ibang tao na nakipagugnayan sa Kanya sa patungkol sa kamangha-manghang himala ng pagbabangon mula sa mga patay. Matutunghayan natin dito si Hesus na mayroong mga espesyal na mga kaibigan. ‘Does that bother you? Jesus having a very special circle of friends? The Son of God Incarnate having special friends? Well Jesus was just like you and me, there’s nothing wrong with that’. Mapapansin natin na 3 sa Kanyang mga alagad ang malimit na nakamalas ng mga espesyal na himala at nakapakinig ng mga espesyal na katotohanan, at nanalangin na kasama si Hesus sa hardin ng Gethsemane. Ang tatlong alagad na ito ay walang iba kundi si Peter, John and James. Dito, Si Hesus ay meron [pang isang espesyal na barkada. Isang pamilya na inibig Niyang lubos – Sina Lazarus, Mary at Martha. Sa kanilang bahay malimit na tumutuloy si Hesus tuwing may kapistahan sa kanilang lugar sa Bethany, 2 milya ang layo sa Herusalem. Maaaring magtaka kayo Itong 3 ito ay minsan lamang nabanggit sa ‘synoptic gospels’. Sa Luke 10:38-44 ay nabanggit ang isang pangyayari tungkol kay Hesus noong pumunta Siya sa bahay ng 3 ito upang sumalo sa kanilang hapunan. Nagsumbong kay Hesus si Martha tungkol sa kapatid niyang si Mary na hindi tumutulong sa kanya sa paghahanda, at pinagsabihan siya Ni Hesus na tungkol sa kahalagahan ng mga espirituwal na bagay kaysa materyal. Ngayon ito ang buong ‘background’, nang marinig ni Hesus ang balita na may karamdaman si Lazarus, ngunit naghintay Siya ng 2 araw upang dalawin si Lazarus. Kung titingan nyo ang verses 33-38, ito’y nagsasabi sa atin tungkol sa ating Panginoong Hesus na lubha kong naibigan. Tatlong pagkakataon, sinabi na si Hesus ay lubhang nalungkot sa pagdadalamhati ni Mary at Martha. Hindi Siya nalungkot sa pagkamatay ni Lazarus, sapagkat sinadya Niya na magpaliban upang mahayag ang kapangyarihan ng Dios sa pamamagitan ng pangyayaring ito. Ngunit Siya ay lubhang nalungkot noong makita Niya na nag-iiyakan at nagdadalamhati ang 2 dalaga na ito. Siya ay umiyak kasama ni Mary at Martha. ‘This is the shortest verse in the Bible, “Jesus wept” (John 11:35)’. Patuloy Siyang nakiramay sa kanilang pagdadalamhati hanggang sa libingan ni Lazarus. Nais kong sabihin sa inyo na kapag ako ay nasasaktan at may matinding suliranin ako’y lubos na nagagalak na malaman na si Hesus ay lumuluha na kasama ko. Mayroong pagkakataon sa buhay natin wala na tayong magawa kundi magpatirapa sa trono ng Dios upang umiyak ng umiyak, at isang kagalakan na sa paanan ng Dios na ating pinagbubuhusan ng dalamhati ay nakikiramay Siya sa atin ng lubusan. Nagagalak ang aking puso na malaman na si Hesus ay mayroong emosyon na katulad nating mga tao. Nararamdaman Niya ang ating nararamdaman, at alam Niya kung ano ang aking nararamdaman maging sa oras ng kaligayahan o sa kalungkutan. Ako ay nagagalak si Hesus ay dumalo sa pagdiriwang sa mga kasalan at mga kapistahan. Ako’y nagagalak na malaman na Siya ay umiiyak sa mga libing, sapagkat alam ko na nauunawaan Niya ang mga emosyon ng isang tao. Nais ko ring sabihin sa inyo na ang Kanyang espesyal na kaugnayan kay Lazarus at ang Kanyang emosyon ng pakikiramay kay Mary at Martha ay hindi naging balakid upang tuparin ang kalooban ng Dios. Ang ibig mo bang sabihin kalooban ng Dios ang pagkamatay ni Lazarus? Ako’y lubos na naniniwala na ito ay totoo. Kung babasahin mo ang verse 4 iyon ang sinasabi doon. Ang ibig mo bang sabihin, kapagka kung minsan, ang kamatayan ng isang tao at pagdalamhati ng mga iniwan nito ay kalooban ng Dios? Kung babalikan ninyo ang mga naunang chapters sa John ay matutunghayan ninyo ang isang lalaking isinilang na bulag, at sinabi ni Hesus na ito’y hindi kasalanan ng kanyang mga magulang kundi ito’y nangyari upang ang Dios ay maluwalhati. Ang ibig mo bang sabihin mayroong layunin ang pagiging bulag sa loob ng 38 taon ng taong iyon? Kung ating wawariin ang ganitong mga pangyayari ay isang hiwaga ng buhay ng tao. Walang makakapagbigay ng tumpak na dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganito ngunit ito ang masasabi ko, ang mga modernong katuruan na napapanood natin sa telebisyon at nababasa sa mga libro na nagsasabi na ayaw ng Dios sa sino man ay magkasakit at magdusa at dumanas ng pagdalamhati ay isang maling paniniwala. ‘It’s a modern heresy’, sapagkat hindi ganoon ang aking nakikita sa buhay ni Hesus, hindi ko rin yan nakikita sa buhay ng Kanyang mga alagad. At dito sa John 11, si Lazarus ay nagkasakit at namatay para sa kaluwalhatian ng Dios. Hindi ko yan mapaliwanag, ngunit ang alam ko ito ay isang katotohanan. Hindi natin alam kung ano ang kanyang naging karamdaman ngunit ang sakit na ito ay kumitil sa kanyang buhay sa loob lamang ng maikling panahon. Tila siya ay naghirap sa sakit na yaon ng ilang linggo bago siya namatay at ang kanyang mga kamag-anak ay nagtiis na nakikitang naghihirap si Lazarus habang si Hesus ay nagpaliban ng ilang araw upang damayan sila hanggang siya ay mamatay. Sana nauunawaan ko ang lahat ng mga ito. Marahil mas mauunawaan natin ito kung tatanungin natin mismo ang Panginoong Hesus. Alam ninyo ako’y nagagalak na ang mga alagad ni Hesus, sila na nakaranas na makapakinig ng mga turo ni Hesus, napag-masdan kung paano pinatahimik ni Hesus ang bagyo, pabangunin ang patay, pagalingin ang mga ketongin, nakita ang lahat ng Kanyang mga gawa, ngunit kapag nangusap sa kanila ang Panginoon, ay hindi nila lubhang naunawaan. Ako’y nagagalak hindi nila maunawaan si Hesus, sapagkat hindi lang ako ang may mababaw ng pang-unawa. Kaya’t pagsapit ko sa langit at sinabi sa akin ng Panginoon “Jun, hindi mo nauunawaan”. Ok lang po Panginoon sapagkat hindi ako nag-iisa. Madalas kapag nagaaral ako ng Biblia, ako’y nagsisikap na maunawaan ang aking binabasa, ngunit hindi ko pa rin maunawaan, hindi ko pa rin maunawaan. Alam ninyo mayroong ugali ang mga alagad ni Hesus na malimit din nating gawin. Malimit nilang ‘nililiteral’ ang mga pangungusap sa kanila ng Panginoon. Magsasalit si Hesus ng pasagisag at sasabihin nila “Ah ang ibig mo ba sabihin Panginoon natutulog lamang si Lazarus?” ‘Of course Lazarus was really dead. We do it all the time, we take Him too literally’. Paulit-ulit na namimisunderstand nila si Hesus, tingnan nyo ang verse eight at verse 12. Isa pang bagay nanamangha ako ng labis ay ang himala na iyon ay para sa kanila at hindi para kay Lazarus. Tingnan nyo ang verse 15: “Para sa inyong kapakanan, mabuting wala ako roon, upang kayo’y sumampalataya. Gayunman, puntahan natin siya.” Sila ay naniwala ngunit kinailangan pa na palakasin ang kanilang pananampalataya. Kaya’t sinabi ni Hesus, pababangunin ko si Lazarus. Ginawa Niya ito hindi para sa kay Mary at Martha na nananangis, mayroong dalawang grupo dito sa chapter 11 na nakinabang sa himala na ito. Ang himala na ito ay ginawa para sa alagad ni Hesus at para sa mga Hudyong hindi naniniwala kay Hesus. Si Lazarus ay isa lamang paraan upang si Hesus ay maluwalhati. Itong himala na ito ay hindi pagpapala kay Lazarus. Ngayon, tingnan natin ang verse 16. Sinabi ni Tomas, na tinatawag na kambal, sa kapwa niya mga alagad, “Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya.” Ano ba ang sinasabi ni Tomas dito? Kung babasain ninyo ang konteksto sa naunang mga talata, nang sinabi ni Hesus na kinakailangan na sila ay bumalik sa Judea, sumagot ang Kanyang mga alagad, “Panginoon tinangka ng mga tao doon na patayin ka at batuhin ka, bakit nais mo na bumalik doon upang batuhin?” Pagkatapos nangaral na sa kanila ang Panginoon tungkol sa liwanag at paglakad habang may liwanag pa. Ang talagang sinasbi nila kay Hesus “Gusto mo ba talagang bumalik doon at mamatay?” Ngayon, ano ba palayaw ni Tomas? Hindi ba’t ‘The doubting Thomas’ ang tawag natin sa kanya?. Sa John 20, si Tomas na lumakad na kasama ni Hesus, napakinggan ang lahat ng mga hula tungkol sa kamatayan ni Hesus, noong namatay at nabuhay na maguli si Hesus, nagpakita si Hesus sa kanyang mga alagad, ngunit wala roon si Tomas, sinabi ni Tomas, “maliban na isuot ko ang aking mga daliri sa Kanyang tagiliran at butas sa Kanyang mga kamay, ay hindi ako maniniwala.” Siempre, nagpakita uli si Hesus nung sumunnod na linggo at pinagawa Nya kay Tomas ang isuot ang daliri nito sa Kanyang mga sugat. Kaya’t si Tomas ay tinawag na ‘the Doubting Tomas’. Alam nyo kung babasahin nyo ang John 14, marahil si Pedro nagkaroon ng laryngitis, hindi natin siya narinig na nagsalita, ngunit si Tomas nagsalita kay Hesus at nagsabing “Hindi ko alam kung saan Ka patutungo”, Dito sinabi ni Hesus ang dakilang pangugusap na “I Am the Way the Truth, and the Life” bilang sagot sa pagdududa ni Tomas. Alam nyo ako’y nagagalak sa mga taong nagtatanong ng hayagan sa Dios, sapagkat kadalasan sila ang nagdudulot ng pagpapala para sa kanilang sarili at para sa iba. Sapagkat ipapakita at aakayin sila ng Dios sa katotohanan sa gitna ng kanilang pagdududa. Tinatawag nating Tomas ‘the doubter’ itong tao na ito, ngunit tingnan nyo ang vs 16, Si Tomas ang nagsabi sa kapwa nyang alagad na papapaslangin si Hesus sa Judea kaya’t “Pumunta rin tayo upang mamatay na kasama niya.” ‘Does that sound like a doubter to you? Thomas is a strange paradox of faith, and courage, and hope, and fortitude, and doubt, and fear, and despair, and despondency, and frustration, and so are you and so am I’. ‘I’m so glad Tomas the doubter came out in the Bible. The Bible presents men, warts and all because all men have warts, spiritually speaking of course’. Hindi ba’t ganoon talaga ang buhay natin? Hindi ba’t mayroong araw na pakiramdam mo na tila napakalakas mo, committed, so spirit-filled? Hind ba’t mayroon din namang mga araw ng pagdududa at pag-alinlangan na tinatanong natin ang Dios kung minsan “baka naman nagkakamali Ka Panginoon”? Ito ang mga alagad ni Hesus, mga ordinaryong tao na katulad natin. Ngayon, itong si Lazarus, wala tayong sapat na pagkaalam tungkol sa taong ito. Malamang siya ay isang tanyag na Hudyo sa kanyang kapanahunan, sapagkat maraming dumalo sa kanyang libing at nakiramay sa kanyang 2 kapatid. Hindi natin siya kilala ng lubos ngunit ang kamangh-mangha ay mayroong ‘divine purpose’ ang kanyang pagkakasakit at pagkamatay. Sana ay maunawaan ko ng lubos ang katalagahan ng Dios, ang kasamaan, ang pagdurusa at paghihirap. Sabihin ko man sa inyo, malamang hindi ninyo ako paniniwalaan. Ngunit ako’y naniniwala, ayon sa nababasa ko sa Biblia, ang Dios nagdudulot ng kabutihan out of evil, at liwanag mula sa dadiliman, at kaayusan mula sa kaguluhan. At ito’y patuloy na ginagawa ng Dios, bagama’t sinasabi sa Biblia na minahal ni Hesus si Lazarus, ay kinasangkapan pa rin ng Dios ang pagkamatay ni lazarus, at namatay si Lazarus na hindi nya alam kung bakit. Hindi ba’t parang may pagkakahawig sa buhay ni Job. Sinabi ni Job sa Dios, “bagama’t ako’y Iyong pinaslang, paglilingkuran pa rin kita. Naranasan nyo na ba ang ganitong sirkumstansya sa inyong buhay? Hindi natin maipaliwanag ngunit alam natin na ito’y totoo. Ngayon sa verse 21, Sinabi ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid.” Itong si Marta ang hindi masyadong espiritual, ngunit pansinin ninyo si Mary ganoon din ang sinabi kay Hesus, lumuhod siya sa paanan nito at nagsabi, “Panginoon, kung narito ka lang, hindi po sana namatay ang aking kapatid.” Hindi nyo na napansin na mayroong tila paninisi sa tono ng kanilang salita kay Hesus? “Panginoon, nasaan ka nung kailangan ka namin. Hindi ba’t mga kaibigan mo kami? Pinatuloy ka namin sa aming tahanan. Sinamba Ka namin, nagtiwala kami sa Iyo. Bakit mo pinahintulutan na mangyari sa amin ito?” Have you ever felt like that? Naalala ko ang propetang si Jeremias, na kilala bilang “the weeping prophet” noong sinabi sa kanya ng Dios na hindi siya uubrang mag-asawa, sinabihan siya na ang lahat ng kanyang dala dala ay ang mensahe ng paghatol, na nagsabi sa kanya na kailangan iwan niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Isang araw sinabihan niya ang Panginoon na tila baga isang ilog sa ilang na hindi niya alam kung may tubig. Hindi ba’t kalapastanganan sa Panginoon na hindi tapat at pagdudahan Siya? Palagay ko mas nais ng Dios ang karangalan ng pagdududa o pag-aalinlangan kaysa sa huwad na kabanalan. Mayroong mga araw na hindi ko gusto ang ginagawa ng Dios sa aking buhay, ngunit palagay ko pinapahalagahan Niya kapag sinasabi ko sa Kanya ito ng harapan, katulad ni Mary at Martha na walang takot na sabihan si Hesus, “nasaan Ka ng kailangan Ka namin”? Normal lamang sa isang tao na magdamdam sa Dios sa mga hapdi at kirot na nararanasan niya sa buhay, at palagay ko hindi nagagalit ang Dios kapag tapat nating ibinubuhos sa Kanya ang ating mga nararamdaman. Hindi pinagalitan ni Hesus si Mary at martha, sa gitna ng tila bagang walang panananampalataya sa Kanya. Alam ni Hesus na ang kanilang sama ng loob sa Kanya ay karapat dapat lamang. Ang pagdadalamhati ay normal lamang sa tao. Siya ay pumasok sa dalamhati ng 2 taong ito. Siya ay naki-isa sa kanilang hapdi ng pagdurusa. At palagay ko natupad ni Hesus ang kanyang layunin sa pamamagitan ng pagpapahintulot na mangyari ang mga bagay na sa paningin ng tao ay dagok sa kanilang buhay. Palagay ko sa gitna ng mga bagay na ito, naipamalas ni Mary at Martha ang dakilang pananampalataya kay Hesus at kailansabay naipakita nila ang matinding kabiguan kay Hesus at dahil sa kanilang ginawa, ako’y kumportable sabihin kay Hesus, Panginoon kung naririto ka lamang hindi mangyayari sa akin ito. Panginoon kung minahal mo lamang ako ng tapat hindi ako magkakaganito. Ang lahat ng pighati at pasakit sa buhay ng isang Kristiyano ay kabalintunaan sa pagkakakilala natin sa Dios ng pagibig, ngunit ang katotohanan niyan ay nangyayari ang mga bagay na yan sapagkat iniibig tayo ni Hesus. He cares for us! Ang susunod na grupo ng mga tao na nais kong talakayin ay ang mga kaibigang Hudyo na nabanggit sa verse 19. Alam nyo po sa kultura ng mga Hudyo kung nais ninyong ipakita ang inyong katapatan sa pakikiramay sa mga namatayan, ay magsasama kayo ng tagatugtog ng plauta o dili kaya naman uupa kayo ng ‘professional mourners’. Alam nyo po ang Jewish funerals ay kakaiba, sapagkat ito’y maingay. Ang maririnig ninyo ay mga iyak at pagtaghoy na ubod lakas. Kung nakapanood na kayo ng mga Jewish funerals sa TV, alam nyo ang aking sinasabi. Isipin nyo noong ibinalita ni Martha kay Mary na dumating si Hesus at dali daling lumabas ng bahay, sinundan sya ng mga taong ito sa pag-aakalang pupunta sya sa libingan ni Lazarus upang manangis. Nahabag si Hesus hindi lamang para kay Martha at Mary, kundi pati sa mga taong ito na nakikiramay sa dalawa. Sa verse 42 sinabi ni Hesus: “Alam kong lagi mo Akong pinakikinggan, ngunit sinabi ko ito para sa mga taong nakatayo rito, upang sila’y maniwala na isinugo mo Ako.” Pagkasabi niya nito, sumigaw Siya nang malakas, “Lazaro, lumabas ka!” Alam nyo, hindi naman talaga dapat sumigaw si Hesus ng ganon. Uubra naman na ibulong nya ito, at mangyayari nga. Ngunit kinailangang gawin Niya yon para sa kapakinabangan ng mga Hudyong di naniniwala sa Kanya. Sa palagay ko, ito’y napakahalaga sapagkat, bagamat Si Hesus, Dios Anak na nagkatawang-tao na mismo ang nagpamalas ng kamangha-manghang himala na ito, hindi pa rin naniwala ang lahat. Kalahati lamang ang nangagsisampalataya at kalahati ang lumayas upang ireport si Hesus sa mga autoridad sa bintang na gumagawa ng kaguluhan. Alam ninyo sa ating panahon, tuwing ipapangaral natin si Hesus at ang Kanyang alok ng kaligtasan, nagkakaroon palagi ng pagkakahati-hati sa mga tao. Malimit akong namamangha, andito si Hesus nangangaral ng kapatawaran ng Dios sa kasalanan, buhay na walang hanggan, at ang pananahan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng isang simpleng pagtiwala sa Kanya at sa Kanyang ginawang sakripisyo sa Krus. Kung hindi ka magtitiwala sa Kanya, aniya, mayroong walang hanggang paghihiwalay, walang liwanag, at walang kaligayahan, at alam ninyo kung saan ako namamangha kapag ibinabahagi ko ang ebanghelyo ng biyaya, ang ebanghelyo ng childlike faith, at ang pag-ibig ng Dios sa Panginoong Hesus? Alam nyo kung saan ako nagugulumihanan ng higit sa lahat ng bagay? Hindi sa mga taong nangagsisisampalataya. Kundi sa mga taong tumatanggi sa harap ng mga himala na ipinapamalas ng Dios. Ang pangatlong grupo ng tao na ating pag-aaralan ay ang mga escriba, Pariseo, at mga Sadduceo. Itong mga tao na ito na bihasa sa Matandang Tipan. Batid nila ang mga hula, alam nila ang mga katotohanan tungkol sa Mesias. Batid nila na Si Jesus ay nangusap at gumawa ng may kapangyarihan; nangaral sa mga dukha, at nag-buhay sa mga patay, at marami pang himala. Nagpagaling sa mga bulag; ang lahat ng mga ito ay hula tungkol sa Mesias sa Matandang Tipan, ngunit dahil sa kanilang hidwang paniniwala, sadya nilang tinanggihan ang mga nakita ng kanilang mga mata. Nangyayari din ba sa atin yan kapagka-minsan? Alam na alam natin na gagawin ng Dios ang lahat ng mabuti sa atin, ngunit kapag naghimala na sa atin ang Panginoon, hindi tayo makapaniwala? Si Caiaphas ay kabilang sa grupong ito – katuwa-tuwa nangusap si Caiaphas ng isang hula sa Matandang Tipan, nang sinabi niya na “mas mabuting mamatay ang isang tao kaysa ang buong bansa ang mamatay”. Hindi ba’t tunay na si Hesus ay mamamatay para sa buong sangkatauhan ngunit ito’y lingid sa kanilang kaalaman. Hindi ba kakatuwa, ginagamit ng Dios ang bibig ng Kanyang mga kaaway upang ipahayag ang kanyang katotohanan? Nais kong sabihin sa inyo na darating ang isang araw, gagamitin ng Dios ang bawat bibig upang purihin ang Kanyang Anak. Ginamit nga Niya Si Caiaphas dito upang ipahayag ang katotohanan tungkol kay Hesus. Alam nyo kung ano ang ‘impact’ nito sa akin? Na hindi na ako magkakaroon ng ‘guilty feelings’ kapagka kung minsan ay pinagdududahan ko ang Dios; kung minsan naiisip ko baka ako’y naloko lamang ng aking nabasa sa Biblia kapag hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang kasamaan ng pagpaslang sa isang 84 anyos na matandang babaeng Kristiyano, o dili kaya ang pag-rape sa isang sanggol na babae? Alam ko nakakaranas din kayo ng pagdududa sa Dios. Bakit hinahayaan ng Dios mangyari ang mga kabuktutan sa mundo? Ang napakaraming inosenteng bata sa Ethiopia na namamamatay sa gutom, bakit pinapayagan ito mangyari ng isang Dios ng pagibig? Paano ito tutugma sa turo ng Biblia tungkol sa kabutihan ng Dios? Paano ako mabubuhay sa ganitong kabalintunaan? Kapagdaka’y nagsisisi ako sa aking sarili na naiisip ang ganyang mga katanungan at pagdududa. Ako’y nagagalak na malaman na kilala ako ni Hesus sa aking pagdududa at pananampalataya, kalakasan at kahinahaan. Iniibig Nya ako sa kung ano ako. Ako’y nagagalak na malaman na nauunawaan ni Hesus na tayo’y galing lamang sa alabok – mahina. ‘That is what gives me encouragement, more than anything else. He loves me, He cares for me despite my frailties as a human being. He knows, because He is one of us!’

ANG DILA NG TAO

Basahin Santiago 3:1-13

Marahil ang Santiago (James) 3:13 ay isang bahagi sa buong Biblia na tuwirang nagpapahayag tungkol sa dila ng tao. Mayroon tayong matandang kasabihan, “Siyang kakaunti lamang ang salita, ay matalino” at ako’y kinakabahan para sa aking sarili. Nangaral si Santiago tungkol sa dila sa unang bahagi ng kanyang aklat, hanggang sa huling bahagi ng Santiago. At kahanga-hanga ang kanyang paraan sa pag talakay sa salita ng tao, na ito’y kanyang iniuugnay sa mga salita ng Panginoong Hesus. kayo’y magugulat sa mga ilang bagay na sinabi ni Hesus tungkol sa pangungusap ng tao (human speech). Kung inyong babalikan ang chapter 1 verse 19, na ang wika’y “…ang bawat tao ay dapat na maging mabilis sa pakikinig, marahan sa pagsasalita,…” – Dito nagsimulang talakayin ni Santiago ang patungkol sa tema ng dila ng tao, at doon sa verse 26 tila ang himatong ay ang mga mananampalataya nang sinabi niya, “Kung (first class conditional statement, assumed to be true) inaakala ng sinuman na siya’y relihiyoso, subalit hindi pinipigil ang kanyang dila, kundi dinadaya ang kanyang puso, ang relihiyon ng taong iyon ay walang kabuluhan”. Pagkatapos nama’y sa chapter 2:13, aniya’y, “Ano ang pakinabang mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinuman na siya’y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa? Maililigtas ba siya ng kanyang pananampalataya?” – wari bagang ito’y tungkol sa taong hindi nakikita sa kanyang buhay ang kanyang ipinapangaral. At pagkatapos sa chapter 3, tila baga tayong lahat ay pinatatamaan dito ni Santiago. Tayong lahat. Ang pangungusap ng tao katulad ng kanyang mga gawa ay tila isang durungawan sa puso ng taong yaon. Makabagbag-damdaming inusal ito ni Hesus sa Mark 7, kung saan sinabi Niyang, “Walang anumang nasa labas ng tao na pagpasok sa kanya ay nakapagpaparumi sa kanya kundi ang mga bagay na lumalabas sa tao ang nakapagpaparumi sa tao”. – ibinubunyag natin ang ating tunay na karakter sa pamamagitan ng ating mga pangungusap. Ang ating dila ay uubrang maging napakalaking pagpapala sa pamamagitan ng pag-awit ng mga himno. O, how wonderful, it just moves us as it stirs us; the teaching of the Bible, and the preaching of sermons. I think of the Reformation period – the power of Martin Luther’s sermons. And sermons have changed the course of history. Sa aking buhay, nasaksihan ko na sa maraming pagkakataon kung papaanong sa loob lamang ng 30 segundo ay wasakin ng dila ng tao ang isang bagay itinaguyod ng Dios sa maraming taon. Totoo ang winika ni Martin Luther, aniya’y ang dila ng tao’y madalas na madulas sapagkat ito’y nasa basang lugar. At batid ng Dios na sa aking pagtalakay tungkol sa dila ng tao ngayong hapon, ako’y kasangkot dito. Ang panalangin ko ay tulungan tayo ng Dios na sa pamamgitan ng aking mga pangugusap ay makilala ng husto ng mga tao ang nga bagay tungkol sa ating Tagapagligtas. Sa hapong ito, tatalakayin natin ang verses 1 through 12, ngunit sinasabi ko sa inyo ito’y magiging makirot para sa ating lahat. Tila kakaiba ang panimula ng kabanata na ito, na kung saan sinasabi, “Mga kapatid ko, huwag maging guro ang marami sa inyo, …” – hindi nga ba kakaibang pambungad na pananalita? Ano kaya ang nasa likuran nito at tila sinasabi sa atin na opopop hwag padalos dalos kung gusto mong maging mangangaral. Tila mayroong 2 posibleng pinanggagalingan ito, at hindi ko tiyak ko alin sa 2 ito: Una sa 1 Corinthians 14:26-40, dapat nating maunawaan na ang iglesia ng unang siglo ay hindi pa organisado. Ang mga mananampalataya ay wala pang kaayusan sa kanilang pagtitipon; mayroong tumatayo at biglang aawit, mayroon din naman biglang magsasalita sa ibang wika at sinasapawan ang umaawit. Kagilagilalas ang mga pangyayari at ang lahat ay tila nais na magsalita, at sa puntong ito nagwika si Pablo, “Mga kapatid lagyan natin ito ng kaunting kaayusan, Ganire and dapat natin gawin…”. Malamang ito ang pagnanasa ng iglesia ng unang siglo na maipamalas ang bagong kalayaan kanilang naranasan na masabi nila ang mga bagay na nagawa ng Dios para sa kanila. Na napakaraming mga mananampalataya ang biglang nagnais na magsimulang magturo nang hindi pa naman sila handa sa gawain nayaon. Kaya’t maaaring ito ang background nitong verse 1. Ang pangalawang posibleng background marahil, ay sa isang iglap hinangad ng lahat na maging isang guro o’ rabbi dahil sa taglay nitong karangalan ng pagiging isang guro o’ rabbi. Kakatuwa, ang wika’y “…huwag maging guro ang marami sa inyo,…” – it’s a special construction that means to stop an act already in process. They were acting like teachers. They were all trying to teach. Wala namang masama sa pagtuturo, sa katunayan ito’y isang kahanga-hangang gawain. Ito’y nabanggit sa 1 Corithians 12:28 bilang isa sa mga kaloob na espiritual, at ito’y nauugnay sa gawain ng isang pastor. Nabanggit din ito sa Ephesians 4 at sa 1 Timothy 3, kaya’t ito’y isang kahanga-hangang bagay. Ngunit, bakit sinasaway ni Santiago ang mga tao na magturo? Dahil, “yamang nalalaman nating hahatulan tayo ng mas mahigpit”. Ibinilang ni Santiago ang kanyang sarili sa kategoryang yaon. Gayundin si Pablo bilang isa guro, propeta at apostol ay ibinilang ang kanyang sarila sa kategoryang yaon na hahatulan, at hahatulan ng mahigpit kaysa sa ibang tao. Minsan mayroong nagwika ang lahat daw ng mga sermon at mga Bible teaching lessons ay susuriing maigi ng Dios kung mga ito ba’y tumpak na mga doktrina. Palagay ko mayroong iba’t ibang baytang o antas sa langit man o sa impiyerno. Ito’y hindi malinaw na turo sa Biblia anupa’t ang pinakamalinaw marahil ay sa larangan nitong “stricter judgment” o sa hahatulan ng mas mahigpit. Ano ba ang ibig kong sabihin sa hahatulan ng mas mahigpit? Nais kong tunghayan ang ilang mga talata sapagkat wari ko’y hindi tayo komportable sa doktrinang ito na mayroong iba’t ibang antas impiyerno at antas ng langit. Unahin natin ang impiyerno, Puntahan natin ang Matthew 10:15; bagama’t hindi naman tahasan at malinaw na itinuro dito, tila mayroong paghango sa katuruang ito, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, higit pang mapapagtiisan sa araw ng paghuhukom ang mga lupain ng Sodoma at Gomorra, kaysa bayang iyon.” Okay? so mayroong tila allusion o paghango sa bagay na yaon. Ngayon tunghayan naman natin ang Matthew 18:6, ang wika’y, “Datapuwa’t sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya’y ilubog sa kalaliman ng dagat.” – nawawari nyo yung uri ng dagdag na paghatol sa taong yaon? Tunghayan naman natin ang Luke 12 simula sa 42. Ito’y isang talinghaga patungkol sa mga alipin na pinagkatiwalaan sa iba’t ibang mga bagay ng kanilang amo, ngunit ang lundo nito ay sa verses 47 at 48 basahin natin: At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami; Luk 12:48 “Datapuwa’t ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya.” – ito’y isang matinding katotohanan. Ngayon naman buksan natin sa Luke 20:7: “Na sinasakmal nila ang mga bahay ng mga babaing balo, at sa pagpakunwaring banal ay nanalangin ng mahaba: ang mga ito’y tatanggap ng lalong malaking kahatulan.” Yung huling bahagi ng talata na nagsasabing yung mga escribang mapangibabaw ang siyang tatanggap ng mas mabigat na paghatol. Batay sa mga talatang ating binasa, bagamat aaminin ko na walang malinaw na turo ang Biblia ukol dito, nais kong ibalangkas sa inyo ang nasa aking isipan batay sa allusions o paghango sa mga talata na ito at marami pang iba. Palagay ko kung titingnan natin ang mga antas ng paghatol ay maaaring ganito: Yaong mayroong malinaw na pagkaalam sa Ebanghelyo ay mas higit na responsable kaysa sa mga taong hindi nakapakinig ng Ebanghelyo ni Hesus, bagama’t silay nasa ilalim pa rin ng paghatol. 2 uri ang kanilang kaalaman: Natural revelation, na kung saan ang katotohanan ng Dios ay nahahayag sa pamamagitan ng kalikasan (cf. Romans chapter 1). Pangalawa’y ang Dios nahahayag sa pamamagitan ng inner moral sense o’ budhi ng tao. Palagay ko ang Pilipinas ay hahatulan ng mas mabigat, sapagkat palagay ko laganap na sa ating bansa ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, at upang ito’y itakwil ng ating mga kababayan ay lalong mas mabigat na paghatol ang kanilang tatamuhin. Ngayon, tungkol naman sa mga antas ng langit – talakayin natin yan ng matulin na matulin. Kung ako’y inyong dadalhin sa isang ballet, at makakita ako ng mga lalaking may suot na makikipot na leotards at tatalon talon sa tanghalan, nakakalungkot lang talaga kasi hindi ko talaga mauunawaan. Ngunit kung dadalhin ninyo sa ballet ang isang tao na nagsasayaw ng ballet, nakakaunawa ng mga kahulugan ng mga movements ng ballet sa opera, nauunawaan nila ang musika, nauunawaan nila ang kagandahan ng kaugnay mga sayaw ng ballet, they will appreciate that much. I would say that all of us that are Christians are going to have our cups filled. Now I think we’re going to have different sized cups, but if I know that you have a bigger cup than mine, I will be ticked for eternity. What i am saying is those who have served the Lord here on earth are going to have a greater capacity to appreciate the joys of heaven. So in that sense there are degrees, but in the sense of being completely maximized I think there are not degrees, but beyond that wE can’t go because the Bible is really silent. Ako’y lubhang nagaalala bilang isang mangangaral, ako’y tatayo sa harapan ng Dios at magsusulit ng bawat salita na aking binibigkas sa harapan ng pulpito. Kaya’t kung ikaw ay magsasalita para sa Dios mabuting manalangin, magsisi, at magaral, at maghanda ng lubusan. Ngayon kung papansinin natin, nagsisimula ang pagpapaalala sa mga guro, ngunit sa paglaon ay sumasaklaw sa lahat ng mananampalataya. Ito’y hindi lamang responsibilidad ng mga guro kundi responsibilidad din ng lahat ng mananampalataya, na tayo’y magsipagingat hindi lamang sa gawi ng ang pangungusap kundi pati na rin sa nilalaman nito. Tunghayan natin ang verse 2: “Sapagkat tayong lahat ay natitisod…” ito ay isang imperfect tense sa Greek na ang ibig sabihim ay continual action in past times, at ang salitang ’tisod’ ginagamit sa konseptong kasalanan. Lahat tayo’y nagkakasala sa pamamagitan ng ating mga dila. Nakakasakit tayo ng damdamin ng tao. Ngayon, kung ito’y totoo, palagay ko masasabi natin na isa ito sa maraming mga talata sa Biblia na nagpapatunay na ang lahat ng tao ay nagkasala, at maaaring ito’y maging kagulat-gulat sa inyo ngunit ang konsepto natin tungkol sa ‘original sin’ na sa pamamagitan nin Adan lahat ng tao ay nagkasala, at pinipil ng lahat ng tao na magkasala ng personal, na ito’y natatanging doktrinang Kristiyano, sapagkat ang mga Jewish rabbis ay hindi naniniwala sa original sin. Ang sinasabi nila’y mayroong 2 umuudyok sa budhi ng tao, ang yetser hara at yetzer hatov, the bad impulse and the good impulse. Anila’y mayroong 2 uri ng aso sa puso ng tao. isang maitim at isang maputi, at kung sino ang malimit mong pakainin ay ang siyang mas lubhang lumalaki. Kaya’t kung ang kasalanan ay ipataw man sa ating indibiduwal na pagpili o’ sa kay Adan, ang katotohanan ay lahat ng tao nagkasala at kapos sa kaluwalhatian ng Dios. Palagay ko lahat tayo ay tanggap naman natin ang lahat ay nagkasala, lahat tayo’y nagkakamali, nakakasakit tayo ng damdamin ng tao sa pamamagitan ng ating mga dila, mali ang nawiwika nating mga salita, kapagka kung minsan tayo’y hindi nagiging pagpapala sa ating kapuwa, masasabi nating totoo na walang taong sakdal (matured). Kaya’t sinasabi ni Santiago na yamang walang sakdal sa atin, maaari naman siguro ingatan natin ng maigi ang pangangaral at pangungusap, because the man who slips less hurts people less. Malimit kong sinasabi sa inyo na kayo’y ingatan ng Panginoon sa tuwing ako’y mangangaral sa inyo. Inaamin ko mayroong akong kamalian sa aking theology. Alam ko na marami akong maraming opinyon sa lahat ng bagay sa Biblia, ang aking panalangin ay ingatan kayo ng Panginoon sa maling aral na nanggggaling sa aking sarili, at bigyang diin ng Panginoon sa inyong puso at isipan ang mga wagas at dalisay na katurran ng Dios. Palagay ko dapat nating mapagtanto na lahat tay’y nagkakamali, at sinasabi ni Santiago na makikila natin ang isang matured Christian sa pamammagitan ng kung papaano siya mangusap. Ito’y isang bagay na nakakagitla. At tunay na masidhi ang pangaral ni Hesus patungkol sa salita ng tao, at nais kong ipakita sa inyo. Balikan natin ang Matthew 12:36 at pakinggan nyo kung ano ang sinasabi ni Hesus tungkol sa ating salita (Parang nais ko ng manahimik na lang palagi), “Subalit sinasabi ko sa inyo, na sa araw ng paghuhukom ay pananagutan ng mga tao ang bawat salita na binigkas na walang ingat.”Tingnan nyo ang verse 37, “Sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay pawawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong salita ay mahahatulan ka.” Bukasan naman natin ang Matthew 15:11, ito yung parallel verse ng Mark 7:15, “Hindi ang pumapasok sa bibig ang nagpaparumi sa tao, kundi ang lumalabas sa bibig ang nagpaparumi”. At kung lumaktaw tayo sa verses 18 at 19, ang kabuoan niyaon, “Sapagkat nagmumula sa puso ang masasamang pag-iisip, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan, at paglapastangan. Ito ang mga bagay na nagpaparumi sa tao; ngunit ang kumain nang hindi naghuhugas ng mga kamay ay hindi nagpaparumi sa tao.” – kaya sa palagay ko bagamat and ating mga dila ay napakaliit na bahagi ng ating katawan, ito’y sumasalamin sa ating mga puso. Ang pagiging sakdal o matured sa wikang ingles ay mayroong pagkakahulugan “fully equipped” o ganap na handa o hinog na. Para bang yung mga 45-day old chickens na uubra ng maging friers, at ang tanda na kapag kontrolad om ang iyong salita, ito’y isang ebidensya na kontrolado mo ang iyong sarili, na siyang isa sa bunga ng Espiritu. If you can control your speech, it’s an evidence that you have self-control. Tingnan natin ang verse 3, ito’y isang first class conditional statement (assumed to be true), gagamit si Santiago ng 3 halimbawa, kabayo, barko, at ningas ng apoy, at ito ang pangunahing bagay na sasabihin niya. Isang bagay na kasingliit ng preno ng kabayo ngunit kinokontrol ang buong kabayo; isang bagay na kasingliit ng timon kontrolado ng piloto ang buong barko; at isang bagay na kasingliit lamang ng ningas ng apoy ay uubrang tumopok sa malawak na gubat, ay gayundin naman ang isang bagay na kasingliit lamang ng ating dila ay ubra nating gamitin sa gawain ng Panginoon. Linangin natin ito; naglalagay tayo ng preno sa bibig ng kabayo upang marendahan natin ang kanilang buong katawan.Tingnan natin ang malalaking barko noong unang panahon, bagama’t malaki at tinatangay ng malalakas na hangin, ngunit sila’y nagigiya ng piloto sa pamamagitan lamang ng isang maliit na timon, ganun din naman ang ating dila, napakaliit bahagi ng ating katawan ngunit nagyayabang ng malalaking bagay. Ang dila ng tao ay nakapagganyak ng tao na makipagdigma, nakapagganyak nang tao na magtayo ng mga bansa, nakapagganyak sa maraming tao na magtiwala kay Kristo, at marami pang kamangha-manghang kakayahan makapagganyak ang ating dila sa positibong paraan. Ngunit sa kabilang banda, ang dila din naman natin ay uubrang magamit sa negatibong paraan. Palibhasa’y ang ating dila ay hambog at mapanira, katulad ng isang maliit na ningas ng apoy ay makakapagpaliyab sa buong kagubatan, tupukin ang lahat, tuyot na dahon man o buhay na mga puno. Ganyan ang ating dilang mapanira. At ang wika sa verse 6, “ang dila’y isang apoy. Ang dila na kasama ng ating mga sangkap ay isang sanlibutan ng kasamaan. Dinudungisan nito ang buong katawan, at sinusunog ang pag-inog ng kalikasan, at ito mismo ay sinusunog ng impiyerno.”Anong ibig sabihin nito sanlibutan ng kasamaan? Batay sa konteksto ng ating talata, 2 bagay lamang: una ang ating dila raw wari baga’y kumakatawan sa lahat ng kasamaan sa buong mundo. Pangalawa’y ibinubunyag ng ating dila ang niloloob ng ating puso, ito’y isang kapahayagan ng kasamaan sa kalooban ng tao. Sinasabi dito na uubrang wasakin ng ating dila ang ating buhay mismo. Mayroon ding kapangyarihan ang atin dila magwasak ng mga bagay hindi lamang sa pangkasalukuyan kundi pati na rin ang mga darating na salinlahi. Mayroon tayong kapangyarihan pagpalain ang tao sa pamamagitan ng ating dila, ngunit mayroon din tayong kapangyarihan lumuray at magwasak sa tao sa pamamagitan ng ating dila. Verse 7, “Sapagkat ang bawat uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga hayop na gumagapang at mga nilalang sa dagat ay mapapaamo at napapaamo na ng tao,…”Mangyari pa ito’y isang eksaherasyon (overstatement), sapagkat wala namang turuang isda. Mayroong turuang elepante, turuang leon, at turuang tigre, ngunit ang sinasabi lamang nito’y binigyan ng Dios ang tao ng kapamahalaan at kapangyarihan sa lahat ng hayop. Natuturuan nating lubha ang mababangis na hayop, ngunit hindi natin maturuan ang ating dila. Hindi natin makontrol ang ating mga salita. God help us! Tayo’y inilagay sa poder ng kapangyarihan sa buong mundo, ngunit hidni natin masupil ang ating mga dila. Ang ating dila’y sadyang masama. At sa verse 8, “subalit ang dila ay hindi napapaamo ng tao, isang hindi napipigilang kasamaang punô ng lasong nakamamatay.” – ang salitang ginamit dito’y patungkol sa dila ng isang ulupong na labas masok. Batid nyo ba na ang pang-amoy ng mga ulupong ay ang kanilang mga dila? At yun ang dahilan kung bakit iyo’y labas masok, at makita mo lamang ang dila ng ahas ika’y lybhang masisindak. O napakatinding paghahalintulad ang ginagamit ni Santiago; puno ng lasong nakamamatay. Sa pamamagitan ng ating dila pinupuri natin ang Dios, at sa pamamagitan din nito sinusumpa natin ang taong nilikha sa wangis at anyo ng Dios. O anong kabalintunaan! Sa tuwing binabasa ko ito, naaalala ko ang 1 John 4:20, “Kung sinasabi ng sinuman, “Iniibig ko ang Diyos,” at napopoot sa kanyang kapatid, siya ay sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi maaaring umibig sa Diyos na hindi niya nakita.” Hindi ko maubos maisip, tayong mga anak ng Dios sa tuwing nagtitipon tayo, umaawit ng mga kahanga-hangan himno ng pananampalataya, nagbabasa ng Salita ng Panginoon, at manalangin sa Dios, kapagdaka’y pipihit at maninira ng kapwa Kristiyano sa pamamagitan ng mga salita laban sa kanila. Gossip is nothing more than putting someone on trial without them having a chance to defend themselves. Mga pasaring, mga komentong mapanira sa kapwa, sinasabi ko sa inyo lubhang napakahirap mangyari na lumabas sa isang bibig ang pagpapala at pagtutungayaw. Ang pagtutungayaw ay yaong hangarin mo na may masamang mangyari sa iyong kapwa. Ang sinasabi ni Santiago’y, imposible nating purihin ang Dios at sumpain ang ating kapwa. Ngunit nakakalungkot, maraming tao ang gumagawa nito, sapagkat hinati nila ang buhay sa ‘secular’ at sa ‘sacred’, at wala silang nakikitang problema dito. Basta gumawa tayo ng mabuti tuwing Linggo, masigasig sa iglesia, nagtuturo sa Sunday school, umaawit tayo ng mga himno, kaya’t hindi mahalaga kung ano ang pinaggagagawa natin Lunes hanggang Biyernes. Ganyan ba tayong mga anak ng Dios? I think gossip is the unique sin of the church. I think criticism is the unique sin of the church, and I think we’re all guilty of it! Beware! Our tongue lives in a wet place, it is prone to slip! – 

ANG PAGBIBIGAY NA KATANGGAP-TANGGAP SA DIOS

(basahin 2 Cor. 9:1-15) Ako’y naniniwala na ang susi sa lahat ng pagbibigay-espiritual ay ang biyaya ng Dios. Pinakadakila ang pagbibigay ng Dios sa atin ng ibinigay Niya ang Kanyang Anak bago pa man tayo humingi ng anomang bagay sa Kanya, anupa’t kinakailangan na ito’y tanggapin sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsisisi. Wala tayong paguusapan tungkol sa pagbibigay kung ito’y hindi magsisimula sa di-karapatdapat at di-mineritong biyaya ng Dios. Ang tamang pagbibigay ng Kristiyano ay ang umaapaw na pasasalamat at utang-na-loob sa Dios, at ang anumang dahilan o’ motibo ay hindi angkop. GRACE IS THE GIFT OF GOD, AND GIVING IS THE RESULT. Ang chapters 8 at 9 ng 2 Corinthians ay magka-ugnay na mga kabanata na tuwirang nagpapahayag tungkol sa ating mahalagang tungkulin bilang mga katiwala ng Panginoon. Nararapat po nating maunawaan kung sino tayo sa ganang Kanya. Hindi tayo may-ari. Tayo’y pawang katiwala lamang at hindi may-ari. Hindi natin pag-aari ang ating mga buhay. Hindi natin pag-aari ang ating mga anak. Hindi natin pag-aari ang ating kinabukasan. At hindi natin pag-aari ang mga tinatangkilik. Tayo’y mga katiwala ng biyaya ng Dios. Ang isang mananampalataya, bilang binanal ni Kristo ay bahagi ng malaking kalipunan ng mga mananampalataya – bahagi ng pamilya ng Dios. At bilang mga anak ng Dios nararapat tayo na maging handa sa magkasamang paglahok (koinonia) sa gawain ng pagbibigay para sa gawain ng iglesia. “Ang naghahasik nang bahagya ay mag-aani rin nang bahagya, at ang naghahasik nang sagana ay mag-aani rin nang sagana” Tila ito’y hango sa Proverbs 11:24-25 at 19:17. Malimit din na ipinangaral ni Hesus ang prinsipiyong ito ng paghahasik sa Luke 6:38. Ang paghahasik ay isang pangkaraniwang talinghaga sa Bagong Tipan at ito’y makikita nyo sa Gal. 6:7, mababasa ninyo ito sa Matthew 13. Ang ibig sabihin lamang nito ay kapag tayo’y nagtanim, nagpunla ng buto ng halaman, ito’y magbubunga ng mas marami pang mga buto o’ dili kaya naman kapag tayo ay nangangaral ng isang katotohanan, ito ay magbubunga ng mas malawak na katotohanan. Sa kontekstong ito, kung magbibigay tayo sa Dios nang kung ano ang nasa iyong pagtatangkilik, itoy pararamihin ng Dios, at pasasaganahin Niya sa iba, at pati na rin sa atin. Ang mga pagpapalang ito ay hindi lamang material na bagay kundi pati na rin mga espiritual na bagay. “Ang bawat isa ay magbigay ayon sa ipinasiya ng kanyang puso, hindi mabigat sa kalooban, o dala ng pangangailangan, sapagkat iniibig ng Diyos ang nagbibigay na masaya.” – tila ito ay hango sa Proverbs 22:9. Ang sinasabi nito ay hindi lamang tunay na iniibig ng Dios ang kusang-loob na mga handog, kundi iniibig din Niya ang malaya, boluntaryo, at masayahin na pagbibigay ng ating mga kaloob. Sinasabi ko sa inyo, kung posible na magbigay hanggang sumakit, mas lalong posible na magbigay hanggang ito ay maging isa sa mga dakilang kagalakan ng ating pagsamba sa Dios. Marami na akong napakinggan sermon kung saan ang pakinabang ang motibo ng pagbibigay. Wala namang masama dito, ngunit kung ang pakinabang ang nagiging panguhaing motibo ng iyong pagbibigay, sinisira mo ang tunay na diwa ng pagbibigay ng isang Kristiyano. Totoo na ibinabalik ng Dios ng isang-daang ulit yaong ating kaloob, ngunit ang layunin ng kasagaan na yaon ay hindi para sa personal na kagalakan at personal na gamit ng mga biyaya nayaon. Nais kong sabihin sa inyo na ang kagalakan ng pagbibigay ay walang kaugnayan sa kung ano ang mapapakinabangan natin, kundi ang ating kagalakan ay may kaugnayan sa katotohanan na tayo ay bahagi ng Kaharian ng Dios. “At kaya ng Diyos na pasaganain ang lahat ng biyaya sa inyo, upang sa pagkakaroon ninyo ng sapat sa lahat ng bagay ay palagi kayong sumagana sa bawat mabuting gawa.” – Isa sa mga pagpapakilala sa ating Dios ay Siya ang Dios na May-kaya sa lahat. Basahin ninyo ang Romans 16:25; Ephesians 3:20; at Jude 24-25. Hindi ba kayo nagagalak na magbigay sa isang Dios na may-kaya, kahit na hindi kayo magbigay? Pinaguusapan natin dito ay ang Kanyang biyaya at ang Kanyang pagbubunsod ng bawat pagpapalang espiritual na sumagana sa inyo ng sa gayon sa tuwina’y sa bawat pagkakataon kayo ay magkaroon ng buong kasapatan at umapaw sa bawat mabubuting gawa. Ang salitang kasapatan sa Griyego ay may kahulugan na self-contentment. Philippians 4:11 – “sapagkat aking natutunan ang masiyahan sa anumang kalagayang aking kinaroroonan.” Tingnan nyo rin ang 1 Timothy 6:6. Ang Dios ang nagbibigay sa atin ng bawat bagay, anupa’t walang bagay tayong maibabalik sa Dios na siyang naibigay nang una sa atin. Imposible tayong magbigay sa Dios. Tayo’y mga katiwala lamang ng mga bagay na naibigay na sa atin. Hindi natin maibabalik ang anumang bagay na hindi na naibigay sa atin, kaya’t ako’y nababagabag sa karamihan ng mga Kristiyano ngayon na nag-aakala na kapag naibigay na nila ang kanilang ikapo, natapos na ang kanilang obligasyon, at magagamit na nila ang nalabing 9/10 sa kanilang sariling kalayawan. Ang ating buong pagkatao at lahat ng kung ano meron tayo ay pag-aari ng Dios. Wag po natin kalilimutan yan. Harinawa’y ang ating pagbibigay ay hindi nasusukat sa por siyento, nawa’y ang ating attitude ay boluntaryong paghahandong ng ating mga sarili, higit pa sa ating kakayahan, higit pa sa ikapo, pagbibigay ng may kagalakan. Ipagkakaloob ng Dios ang kasaganaan upang ikaw ay makapagbigay din para sa kabutihan ng iba. Hindi ibig sabihin na payayamanin ka ng Dios upang lustayin mo sa kalayawan, upang magkaroon ka ng mas malaking bahay, mas maraming kotse, at gawin ang sariling gusto. Ako’y naniniwala na pagkakalooban ng Dios ng mas higit pa ang taong mapagkakatiwalaan Niya sa pag-iingat ng mga kayamanan ng Dios. Gagamitin Niyang alulod ang taong yaon upang dumaloy sa pamamagitan ng taong yaon ang kasaganaan para sa gawain ng Dios at para mga anak ng Dios. Naghahanap ang Dios ng daluyan ng Kanyang pagpapala para sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo sa buong mundo. Mas matimbang sa Dios ang saloobin (attitude) ng ating pagbibigay kaysa sa halaga ng ating kaloob. Palagay ko nais ng Dios na ang lahat ng kanyang mga anak ay magbigay, ngunit ang saloobin natin ang mas mahalag sa Kanya. Basahin ninyo ang Mark 12:41-44 tungkol sa pagbibigay ng babaeng balo. Ang ating pagbibigay ay magsisilbing patotoo sa mundong nahulog sa kasalanan patungkol sa ating pagtitiwala sa mga pangako Ng Dios at sa Kanyang mga nagawa sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ito ay magiging bukas na kapahayagan ng pagibig na sa gitna ng kahirapan at paguusig ay bukal sa loob ang pagbibigay ng may kagalakan. Ang pagpapahayag ng Ebanghelyo ay mabibigyan ng daan sa pamamagitan ng ating pagbibigay ng maluwat. Ang modelo ng ating pagbibigay ay ang pagbibigay mismo ni Hesus, na bagamat Siya’y mayaman, Siya’y naging maralita na iniwan Niya ang kaluwalhatian ng langit upang maging isang hamak na lingkod upang makamtan natin ang Kanyang kayamanan. Ang tunay na pagbibigay ay ang pagbibigay ng Dios ng Kanyang kaloob sa atin – si Hesu-Kristo. “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” We ought to give like Jesus gave – sacrificially. We ought to give according to our means and beyond. We ought to give not only of our time and talents and possessions, but we ought to give of ourself. As Jesus came for the joy set before Him, we ought to give for what our gifts are going to do not for our glory but for the glory of God. As Jesus focused all that He did to the glory of the father, we ought to focus all that we do for the glory of the Son.

BIBLE TRUTHS IN TENSION

In order to understand inspired Scriptures correctly, i submit to you it is crucial to realize that the Bible is an eastern book, and the Holy Spirit addressed an eastern culture (Palestine) with hyperbolic overstatements of truth in paradoxical or dialectical tension with another hyperbolic overstatements of truth. In other words, the Bible seems to speak out of both sides of its mouth. On one hand, the ‘Parable of the Sower/Soils’ takes seriously its responsibility for fruit in the life of the believer. The absolute necessity of fruitfulness as an evidence of a true salvation – not the means to that salvation. On the other hand, John 10:28; Ephesians 2:8-9 and a whole lot more teach believers grace as a bedrock on which to base their assurance of salvation. Here is an obvious tension created by perseverance on one hand and faith assurance of grace on the other, and both truths are divinely inspired. Therefore, we need to take these scripture texts to a balance by living our Christian lives within the tension created by these seemingly opposing truths.

I realize this is difficult for us, because we are so influenced by western thought which establishes truth through syllogistic logic. A major premise, a minor premise, and a conclusion all in short phrases; and therefore we’ve turned truth into small propositional truths usually based on one and only one verse, usually taken out of context. And we preface it by saying, “If the Bible says it, then that settles it!”. And with that mentality, we come to the Bible like chickens picking up certain kind of grain on the ground, and we find a piece of grain, and it becomes the only grain in the barnyard. Of course that’s not true. We must attempt to let all Scriptures speak. 2 Timothy 3:16 says that “all Scripture is inspired…”, and if you take the Bible seriously you will realize you have no right to let one inspired text damage, depreciate, relegate to second importance another inspired text. None of us has the right as believers to put inspired texts subservient to our denominational emphasis or our particular theological grid. We must hold in tension these powerful over-simplistic statements about the nature of spiritual reality and live in the tension in faith, without trying to let our minds, our churchs’ distinctive creed, our experience, our culture become lord over Scriptures. Because what happens is whenever Scriptures seem to violate what we are comfortable with, we let our personal preferences, and what we’ve always been taught easily crush inspired texts so that they cannot radically speak to us.

I have grown a passion for the Bible, but please do not misinterpret this passion for dogmatism. I realize my frailties and lack of knowledge, but i also recognize the shallowness of how the vast majority of Christians today interpret Scriptures; the imbalance and proof-texting method of modern-day believers and how they use the Bible for their own agenda.

#truths-in-tension

Elijah – A Man Of Like Passion As We Are

In contrast to what majority of people think, that the Prophet Elijah was a mighty prophet of God, that he was a mighty miracle worker, and we somehow have managed to wrap Elijah in a mantle of supernaturalism that makes him seem to be someone unapproachable, someone who belongs to a different league, but that is not how the New Testament remembers him. The Word of God does not say that Elijah was a mighty prophet of God. It does not say that Elijah was mighty worker of miracles. It says, “Elijah was a man of like passion as we are. And he prayed earnestly…” (James 5:17). He was cut out of the same bulk of human cloth. He had problems. He had fears. He had perplexity. He had doubts. He had frustration. He even had a bout of depression, but he prayed! He prayed with earnestness and expectancy. Elijah was a man of prayer. At the outset of his narrative, we learn that he prayed that it might not rain, and there came a severe drought in the land of Israel for 3 years and 6 months. Prayer preceded his encounter with King Ahab. We notice that in Mt. Carmel, it was prayer that brought down the descending fire. It was also prayer that brought the descending flood ending the drought in the land. I think the most distinct characteristic of Elijah’s prayer life which the Spirit of God wants to weave into our experience is the earnestness of his prayer life. While the LORD promised Elijah that He would send rain (1 Kings 18:1), yet Elijah went up to Mt. Carmel, and cast himself down upon the earth and put his face between his knees and prayed. God promised to send rain. They why pray? Because Elijah knew existentially that prayer is the hands of faith that translate promise into performance. God not only ordains the end, but He also ordains the means. It is not a question of coming to a reluctant God in an attempt to persuade Him to do what He really does not want to do in the first place. It is a matter of coming to God with a consciousness that we are dependent individuals. You see, prayer is the realization that your need is not partial, Its total. It is the realization that when we try, we fail, but when we trust, God acts. The Christian life is not a matter of trying, it is a matter of trusting. It is a recognition that the believing life is not difficult – in fact, it is impossible apart from supernatural intervention.

ANG BIYAYA NG PAG-PAPAWALANG SALA SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA

Ang mga saligang talata sa Biblia na pinagbabatayan ng konsepto ng “Pag-papawalang Sala ng Biyaya sa pamamagitan ng Pananampalataya” (“Justification by grace through faith”) ni Martin Luther noong panahon ng ‘Protestant Reformation’ ay ang Romans 3:21-31. Kung babasahin natin ang unang bahagi ng aklat ng Romans, doon sa chapter 1:1-20 ay narito ang pagbibigay-diin ni apostol Pablo ng pangangailangan ng buong sangkatauhan ng kapatawaran sa kasalanan. Papaano ito ginagawa ng Dios? Ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pagsugo ng Kanyang Anak dito sa sanlibutan upang mamatay para sa sa atin. At inaakit Niya ang tao na personal na tanggapin itong Kanyang kaloob. Kaya’t sa Romans 3:21-31 ay nakalatag ang buod ng Protestant Reformation, samakatuwid baga’y ang katotohanan na tayo’y tinanggap ng Dios, hindi dahil sa ating merito o’ mabuting gawa, kundi dahil sa karakter ng Dios at sa sakripisyong ginawa ng Kanyang Anak na si Kristo Hesus. Kahit sino ka man, tanggap ka ng Dios dahil sa bisa ng sakripisyo ni Kristo. At upang ipakita na ito ay hindi bagong konsepto o’ isang bagay na inimbento ni Pablo, sa Romans chapter 4, kanyang ipinakita na ang prinsipiyong ito ay umiral na noon pa man sa tipan ng Dios kay Abraham (sa Genesis 15:6), na kung saan si Abraham ay nanampalataya sa Panginoon, at ito’y ibinilang na katuwiran para sa kanya. At upang pagtibayin pa ang kanyang argumento, inihalimbawa ni Pablo si Haring David, na bagama’t inabuso ang kanyang mga kaloob at kapangyarihan bilang hari para sa kanyang makasariling kapakinabangan, na siyang naging dahilan upang bumagsak ang buong bayan ng Israel, ay tinawag Niya itong “isang lalaking kinalulugdan ng Aking puso”.

Mula sa Matandang Tipan, tayo’y dumako sa chapter 5 ng Romans. Nais kung balangkasin muna ang buong bahagi na ito ng Bagong Tipan, pagkatapos ay balikan ang bawa’t talata ng Romans 5:1-11. Ang verses 1-11 ay isang mahabang pangungusap sa Griyego, at bagama’t ito’y isang pangungusap, malinaw na mayroon itong ipinapahayag na tatlong pangunahing katotohanan. Ako’y umaasa na sa paglalatag ko sa inyo nito, ay pag-aaralan din ninyo ng personal ang bahagi na ito ng Romans, sapagkat kinakailangang suriin nating maigi ang nilalaman nito. Nararapat na tanungin natin ang Biblia upang maunawaan natin ang konteksto ng liham na ito ni Pablo sa mga taga Roma. Ano ba ang pagkakahulugan ng salitang ito kay Pablo? Ano ba ang nilalayon ng liham na ito, partikular sa kabanatang ito? Papaano niya ginagamit ang salitang ito sa iba nyang mga aklat? Ano ang pagkaunawa ng mga tao na pinag-uukulan ng liham na ito? Ganitong mga katanungan ang dapat nating itanong sa ating pagaaral, at ang dahilan ay sapagkat napakaraming mga tao ang nangangaral sa atin tungkol sa Biblia, ngunit taliwas naman sa tunay na ibig sabihin sa atin ng Biblia. Itong mga taong ito ay matatalino, edukado, mataas ang pinagaralan, at sila’y tumatayo sa likod ng pulpito at ang mga Kristiyano ay nasisindak at napipilitang tanggapin ang mga bagay na hindi naman talagang itinuturo sa Biblia. Alam ko walang eksperto sa atin, ngunit kinakailangan na matutuhan natin itong aklat na ito, upang alam natin kung papaano natin ipagtatanggol ang ating mga sarili laban sa mga huwad na mangangaral sa ating kapanahunan ngayon.

Kaya’t sa pagbasa ninyo ng verses 1-11, ako’y umaasa na makita natin ang 3 natatanging katotohanan sa pag-talakay ni Pablo tungkol sa “Justification by faith”. Sa talata 1-5, pinag-uusapan dito ang karanasan ng pagiging matuwid, at ang mga bagay na idinudulot nito sa mga mananampalataya, at mamaya ay tatalakayin natin ito isa-isa. Sa verses 6,7 at 8, ay ang batayan ng ‘Justification’; papaano natin tinatanggap ito; saan ito nagmumula; at ano ang layunin o’ pakay nito. Kaya’t ang nauna ay ang ‘subjective experience’ at ang pangalawang bahagi naman ay ang ‘objective truth’. Ang huling bahagi naman ay kung papaano natin ipapamuhay ito, samakatuwid, ang buhay kristiyano. Itong mga talata na ito ang mga saligang talata na ating tinitindigan bilang mga mananampalataya sa Panginoong Hesus. Ito’y isang napakahalagang batayang biblikal na pagka-unawa kung papaano ibinibilang na matuwid ang taong makasalanan sa harapan ng banal na Dios. At palagay ko kung hindi malinaw sa iyo ang katotohanan na ito, maguguluhan ang iyong isipan sa iba pang bagay tungkol sa iyong pananampalataya. Ito ay isang batayang doktrina sa ating pananampalatayang Kristiyano na hindi natin uubrang ikompromiso o’ ipagwalang bahala. Kaya’t samahan ninyo ako sa pagtalakay natin ng liham ni apostol Pablo sa mga taga-Roma, at sinasabi ko sa inyo kung nabasa na ninyo ang Romans o’ nais ninyong matutuhan ang konsepto ng ‘justification by grace through faith’, palagay ko ay magaling na unahin ninyo ang Romans, at kung gumugol kayo ng 3 taon pinagaaralan ito ng personal, binabalangkas, habang tinitingnan ninyo ang inyong mga sarili sa liwanag ng mga katotohanan na nakapaloob dito, kayo ay magiging matatag at malakas sa paraang walang anumang bagay dito sa mundo ang makakaagaw sa pagasang nasa inyo. Ngunit ako’y nag-aalala sa buhay ng mga Kristiyano na dumadadalo lamang tuwing linggo upang makinig at tanggapin ang anumang naipapangaral sa likod ng pulpito ng hindi man lamang sinusuri sa kanyang sarili ang mga katunayan ng mga ito.

Yung salitang ‘yamang’ (therefore, since), malimit na gamitin ni Pablo ang salitang ito bilang isang pananda sa buod ng katotohanan. Ginamit niya ito sa Romans 5:1; 8:1; at 12:1, kung saan tila sinasabi niya “batay sa lahat ng mga sinabi ko nung una, samakatuwid bagay ang pagiging makasalanan ng lahat ng sangkatauhan, Roma 3:23 “yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;”, ang konsepto ng ‘justification by grace through faith’ na umiiral na noon pa sa panahon ng Matandang Tipan, sa chapter 4, ngayon dito naman sa chapter 5, ay ilalatag ito ni Pablo ng buong linaw. Inilalahad ito ni Pablo sa isang lohikong paraan; gumagawa siya ng mga panukala (propositions) at pagkatapos ay inuulit o inilalarawan niya ang mga ito, katulad ng nakasanayan natin sa ating kultura (syllogism).

“Kaya’t yamang tayo’y ganap na pinawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya,” – ito ang katotohanan na ang Dios ang Siyang gumawa, at ginawa Niya ng minsanan at lubusan. Ang katagang ‘Justified’ o ganap na ginawang matuwid ay isang napakahalagang salita na kung saan ang katuturan nito, kung hindi tayo maingat, malamang magkamali tayo sa pag-unawa, lalo na’t kung gagamit lamang tayo ng Webster’s Dictionary, malamang mabigyan ng kahulugang Ingles ang mga salitang Griyego at Hebreo na libong-taon na ang edad. Si Pablo ay isang Hudyong intelektwal sumusulat sa pamamagitan ng Koine Greek, kaya’t kinakailangan na gamitin natin ang Septuagint, ang Matandang Tipang salin sa Griyego‘. Ang salitang ito (justified) sa Matandang Tipan ay ginamit ng Dios upang ilarawan sa atin ang Kanyang sariling karakter. ‘Katuwiran’ (‘Righteousness’) ay salitang galing sa salitang ‘tambo o’buho’ (river reed) na ginagamit na pamantayang panukat kung tuwid ang mga pader na itinatayo sa konstruksyon. Ginamit ng Dios ang katagang ito para sa Kanyang karakter. Kaya’t kapag nakita ninyo ang salitang ‘righteousness’ o ‘justification’ saan man sa Matandang Tipan, ito ang konsepto na mayroong isang pamantayang panukat sa tao bago siya makakalapit sa Dios, at ang pamantayan na iyon ay katuwirang sakdal. Ito ang kagimbal-gimbal na katotohanan ng Matthew 5:48, “Kaya’t kayo nga’y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na sakdal”. Ang tanong ay, sino ang uubrang tumindig sa ganoong sakdal na pamantayan? Sino ang uubrang mapailalim sa ganoong pagtasa (scrutiny)? Wala, ni isa man sa atin!!!. Maging ang mga relihiyoso, animo’y matuwid na dumudulog sa Dios sa sarili nilang katuwiran sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ay mabibigo sa pamantayan ng Dios. Maalala ninyo yung sinasabi sa Galatians 3:10-12 na “Sapagkat ang lahat na umaasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat, “Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa lahat ng bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan.” Ngayo’y maliwanag na walang sinumang matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya” (Hab. 2:4). Subalit ang kautusan ay hindi nakasalig sa pananampalataya; sa halip, “Ang gumagawa ng mga iyon ay mabubuhay sa mga iyon” (Rom. 10:5). At maliwanag ang sinasabi ng Biblia, “sapagkat ang lahat ay nagkasala at kapos sa kaluwalhatian ng Dios” (Rom. 3:23). At yan ang malaking problema; Walang sino mang tao uubrang lumapit sa Dios sa pamamagitan ng kanyang sariling gawa.

Kaya’t ang kagimbal-gimbal na salaysay ng ating buhay, na tayong nilikha ng Dios ayon sa Kanyang anyo at wangis upang makipagsalumbuhay sa Kanya (cf. Gen.1:26-27) ay nahulog sa kasalanan. At sinasabi ni propeta Ezekiel na “ang taong nagkasala ay mamamatay” (Ezek. 18:20), na lahat nga tayo ay nagkasala sabi naman sa Romans 3:23. Ano ang gagawin nating mga makasalanan? WALA! Ang Dios sa Kanyang kahabagan sa pamamagitan ng Kanyang Anak ay pumarito sa lupa upang bayaran ang isang halaga upang tayo’y maging matuwid sa Dios. At kinakailangang tanggapin ng tao ang biyayang ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ang puso ng Ebanghelyo. Nandirito tayo hindi upang magmalaki sa Dios, nandirito tayo sapagkat tayo ay lubusang iniibig ng Dios. Nais kong balikan ang palasak na talata Ephesians 2:8-9 upang pabulaanan ang pag-aakala ng iba na ang pananamplataya ay isang gawa ng tao: “Sapagkat sa biyaya kayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito’y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos;” Ang ating kaligtasan ay biyaya ng Dios, at ang pananampalataya ay hindi isang gawa. Ang pananampalataya ay ating lohikong tugon sa biyayang iniaalok ng Dios. Maari nating sabihin na, ang pananampalataya ay ang kamay na tumatanggap sa biyaya ng Dios. Kung gaano ka man lumuha, kung gaano kataas ka tumalon, kung gaano man karaming ‘tindig balahibo’ mo ay walang kinalaman sa biyaya ng Dios na ito. Ako’y po’y naaawa sa mga Kristiyanong dumadalo sa gawain tuwing linggo; galak na galak sa pagpupuri at pag-awit sa loob ng bahay sambahan, ngunit paglabas naman ay walang nakikitang pagbabago sa kanilang buhay. Wala namang masama sa emosyong nararanasan sa pagsamba sa Dios. Uubra tayong humiyaw, lumuha, at lumukso, at gawin ang lahat ng bagay na ibig niyong gawin sa konstekto ng pag-samba, ngunit, nais kong sabihin sa inyo na ang tunay na mahalaga ay ang radikal na pag-babagong nababadha sa inyong buhay.

Dumating na ako sa yugto ng aking buhay na aking napagtanto na mayroong apat na pamantayan sa kaligtasan ng tao: pag-sisisi, pananampalataya, pagka-masunurin, at pag-sisigasig. Minsan, mayroong nagtanong sa akin, sa apat na yan, ano ba ang ubra kong laktawan at makarating pa rin sa langit pag namatay na ako? Napag-wari nyo ba ang kamalian sa katanungang ito? Sapagkat ang layunin ng pananampalatayng Kristiyano ay hindi lamang upang tayo’y makasapit sa langit sa araw ng ating kamatayan, kungdi, ang layunin ng Kristiyanismo ay mai-ayon tayo sa anyo at wangis ni Kristo upang ang iba nama’y makasama natin sa pagsapit sa langit. Ako’y naniniwala na mayroong kaakibat na 4 na bagay, noong ikaw ay pinawalang-sala ng Dios: una sa lahat, mayroon tayong kapayapaan. Naaalala nyo pa ba nung araw na hindi pa kayo mananampalataya? Naaalala nyo pa ba yung mga gabing hindi kayo mapagkatulog? Naaalala nyo ba ang pangamba na kayo’y haharap sa banal na Dios? Naaala nyo pa kung ilang tao ang sinagasaan nyo upang makamtan ninyo laman ang pita ng inyong laman? Naaalala nyo ba ang mga araw na iyon? Sariwa pa sa aking mga ala-ala ang nga bagay na yaon. Ngunit nakalimutan ko na talaga yung mga bagay kung papaano ako naligtas. Nakalimutan ko na lahat. Kung anong petsa ako nabautismuhan sa tubig. Ngunit ang hindi ko malilimutan ay isang araw nung ako’y nasa murang gulang pa, noong ako’y nakaranas ng kawalang pag-asa, walang kahulugan sa buhay, walang direksyon sa buhay, at sa bingit ng pagpapatiwakal, ay nagpahayag sa akin ang Panginoon. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, naramdaman ko ang pag-ibig ng Dios. Napagwariwari ko ang kahalagahan ng buhay ko. Aking napagtanto ang layunin ng buhay ko. Naramdaman ko ang kapayapaan ng Dios na wari bagang malamig na batis-tubig na bumabalot sa aking buong katauhan. Sa unang pagkakakataon sa buhay ko, nawala ang aking pagkatakot sa Dios. Sa unamg pagkakataon sa buhay ko naramdaman ko ang kapayapaan ng Dios na hindi masayod ng pag-iisip. Kung tayo’y maghahanap ng mga kahalintulad na talata tungkol sa kapayapaan ng Dios, ito’y lubhang magdudulot sa atin pagasa at kagalakan; John 14:27, pakinggan nyo ito, “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo, ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo. Hindi gaya ng ibinibigay ng sanlibutan ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag mabagabag ang inyong puso, o matakot man.”; Ano ba ang iyong ikinakatakot? Malugi sa negosyo mo? Mawalan ng hanapbuhay? Ito sinasabi ko sa inyo, Walang anuman bagay dito sa mundo ito na maaaring magdulot ng takot at bagabag sa isang mananampalataya. Kung ang iyong kapayapaan ay nakabatay sa mga sirkumstansya sa mundong ito, ilang saglit lamang at maglalaho yang kapayapaan na yaon. Ngunit kung ang iyong kapayapaan ay nakabatay sa Panginoong Hesus na Siyang namatay para sa iyo, walang sinoman ang makakaagaw sa kapayapaan mo, kahit na sino ka man o ano man ang mga sirkumstansya mo sa buhay. Sa John 16:33, pakinggan ninyo, “Ang mga bagay na ito ay sinabi ko sa inyo, upang sa akin ay magkaroon kayo ng kapayapaan. “Sa sanlibutan ay nahaharap kayo sa paguusig. Ngunit lakasan ninyo ang inyong loob, dinaig ko na ang sanlibutan.” Uubra din natin basahin ang Colossians 1:20, o’ Philippians 4:7, “At ang kapayapaan ng Diyos, na hindi maabot ng pag-iisip, ang mag-iingat ng inyong mga puso at mga pag-iisip kay Cristo Jesus.”

Saan bang tunay nakabatay ang inyong kapayapaan? Sino ba ang nag-iingat ng inyong puso at isipan? Nakatali ba ang inyong kapayapaan sa inyong negosyong palugi? Nakabatay ba sa sinabi sa inyo ng doktor na meron kayong stage 4 cancer? Meron ba kayong asunto sa husgado dahil sa meron umaagaw sa lupa ninyo? Real peace, kapayapaan, Hindi ko maipaliwanag sa salita kung gaano kasarap na matulog sa gabing hindi nag-aalala kung magising ka pa sa umaga? Kilala mo bang tunay si Hesus? Wala itong kinalaman sa nagawa mo o hindi mo nagawa. Kilala mo ba ang Dios? Mayroon ka bang kapayapaan sa iyong puso dahil sa ginawa ni Hesu-Kristo para sa iyo? Mayroon ka ba noon? Kung wala ka ng kapayapaan na iyon, nakakalungkot naman sapagkat iyon ang isa sa mga katangian ng tunay na mananampalataya. Alam nyo marami tayo masyadong kaganyakan, partikular sa pagiging relihiyoso, mga panlabas na anyo ng ating relihiyon. Kung minsan naitatanong ko sa aking sarili, tunay nga bang tayo’y kristiyano? Mayroong tao nagtanong sa akin, “ang mga katoliko ba ay ligtas?” Ang sagot ko ay, “tiyak mo ba na ang lahat ng kaanib-iglesia mo ay ligtas? Ang ating kaligtasan ay hindi sa pag-anib sa anumang relihion. Ang tao ay ligtas na tunay kung ang kanyang tiwala ay tanging sa Panginoong Hesus lamang. Sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong pakikipagkasundo sa Dios sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo. “At sa pamamagitan niya’y nakalapit tayo …”, “through whom also we have obtained our introduction by faith”. Itong salitang ‘introduction’ ay mayroong dalawang pagkakahulugan. Una, maaaring itoy mangahulugan ng isang barkong puno ng mga kalakal, mayroong isa o dalawang maliit na barko ang papalaot upang hilahin ang malaking barko na ito sa daungan, sapagkat hindi batid ng malaking barko kung saan ang mababaw na bahagi ng daungan, kayat siya ay inihahatid ng ligtas sa daungan. Isang posisbilidad na interpretasyon yan. Ngunit sa palagay ko ang mas angkop na ilustrasyon dito ay ang ‘personal introduction to royalty’. Sa palagay nyo ba basta-basta kayong makakapasok sa Malakanyang at sabihin na nais mong makipagusap sa Pangulo ng bansa? Hindi uubra. Ngunit kung kakilala mo yung panganay na anak ng pangulo, ay uubra kang ipakilala sa pangulo. Sa ganitong paraan, Ang anak ng Dios na si Hesus, Siya ang naghahatid at nagpapakilala sa atin sa harapan ng banal na Dios, at Kanyang sinasabi, Ama nais kong ipakilala sa iyo si_____, siya’y isang miyembro ng ating pamilya. ‘Personal introduction to deity by faith through Christ.’ “…personal introduction into this grace in which we stand…”. Naaalala ko ang 1 Corinthians 15:1, pakinggan nyo, “Now I make known to you, brethren, the gospel which I preached to you, which also you received, in which also you stand,”. Ito ang kabalintunaan ng ‘predestination’. Tinatanong ako ng mga tao, “naniniwala ka ba sa predestination? Opo, ako’y naniniwala sa predestination sapagkat ito’y tinuturo ng Biblia, at ang lahat ng mga bagay bagay ay nagsisimula sa walang hanggang kapangyarihan ng Dios (Sovereignty of God). Magsisimula ka ba sa Creation? o sa Humanism? o sa Rationalism. Ngunit, bagama’t itinuturo ito ng Biblia at maraming talat tungkol sa predestination, marami din naman mga talatang katulad ng John 1:12, “Subalit ang lahat ng tumanggap sa kanya na sumasampalataya sa kanyang pangalan…”, “…upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya…” John 3:16, at sa talatang katulad ng 1 Cor 15:1, “…na siya naman ninyong pinaninindigan,”. ‘There is a covenant tension and balance between the initiation of a sovereign God and the sovereign God’s demand that human beings made in His image respond and continue to respond in appropriate covenant ways. This is the commitment balance. This is the “yes we must”.

Totoo na walang mabubuting gawa ng tao ang uubrang maghatid sa atin sa Dios. Walang merito ng tao ang uubrang pumasa sa kabanalan ng Dios. Ngunit ang mabubuting gawa ng tao, pagbabagong-buhay pagkatapos na makilala ang Dios ay ang katunayan ng ating kaligtasan. Hindi mga gawa ng tao ang batayan ng kaligtasan. Ang batayan ng kaligtasan ay ang mga mabubuting gawa na bunga ng ating kaligtasan. Kung sinasabi mong kilala mo si Kristo, ngunit walang pagbabagong nangyari sa buhay mo, Biblically, meron malaking ‘question mark’ sa iyo. Hindi sa Bible, sa iyo.

Pansinin nyo yung mga bagay na ikinagagalak ng isang Kristiyano. Tatlong ulit na ginamit ang salitang “nagagalak” or exult sa English. Kung pagaaralan at susuriin ninyo ang mga salita na ginagamit sa Biblia, hahanapin ninyo ang balangkas, hanapin ninyo ang mga salitang inuulit, hanapin ninyo ang mga ‘keywords’, at mga ‘parallel passages’ sa mga katotohanan sa Biblia, magugulat na lamang kayo at unti-unti ninyong mauunawaan ang nilalayon ng orihinal na may-akda at magiging makabuluhan sa inyo ang pagaaral ng Biblia. Una, “nagagalak tayo sa pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos”. Ito yung sinasabi sa Titus 2:13, “habang hinihintay natin ang pinagpalang pag-asa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Cristo” – Darating ang isang araw bubuka ang kalangitan sa silanganan, at bubulaga sa lahat ng mga nilalang ang kaluwalhatian na hindi pa nila nakikita sa tanang buhay nila, Si Hesus, Hari ng mga Hari, Panginoon ng mga Panginoon lilitaw sa mga ulap upang kunin Niya ang lahat ng sa Kanya, at ito ang ikinagagalak ng lahat ng mga Kristiyano.

Pangalawa, “nagagalak rin tayo sa ating mga kapighatian” – kapighatian? Hindi kaya mali ang pagkakasalin? Meron kayang mali sa pagkakasulat? Hindi! ang mali ay ating kultura. Ang problema ay ang maling pananaw ng mga Kristiyano sa kanilang pag-aakala na ang kaligtasan ay, hindi ka na magkakasakit at aahon ka na sa hirap. Ito’y ang problema ng Ebanghelyo na naka-tuon sa ako, tayo, akin, atin. Naaalala ko ang Romans 8:17, where Jesus said “you will reign with Me if you suffer with Me”. Naaalala ko rin ang 1 Peter 4:12-16, “huwag kayong magtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok na dumarating sa inyo upang kayo’y subukin, na waring may isang kataka-takang bagay na nangyayari sa inyo…” Hindi ba ninyo batid na kung inalipusta ng mundo si Kristo, tayong mga tinawag na maging katulad ni kristo ay aalipustahin din ng mundo? Ngunit ang problema talaga ay niyayapos tayo ng mundo. ‘The tragedy is the world embraces us. The problem is, we’re one of them, and not one of His, and wonder why we don’t see power in the church, because of our selfish lifestyle. Ang problema ay, sadyang umiiwas ang Kristiyano sa kapighatian, na siya mismong maghuhulma sa atin na maging katulad ni Kristo. Hebrews 5:8, “Jesus was perfected by the things that He suffered”. ‘Now if Jesus is the Incarnate Son of God, and God used problems to make Jesus what He wants Him to be, now why do you think you want to get out of it? I submit to you the church will go through the same thing Jesus went through which is rejected by a lost world.’ Ito ang palatandaan ng tunay na mananampalataya – nagagalak sa kapighatian. Bakit tayo nagagalak sa kapighatian? Ano ba idinudulot ng kapighatian sa atin? Sapagkat “ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis, 4 at ang pagtitiis ng pagpapatibay; at ang pagpapatibay ng pag-asa. 5 At hindi tayo binibigo ng pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ibinigay sa atin.” Ang Banal na Espiritu na ibinuhos sa ating mga puso.

Ang salitang pag-asa ay isang kahanga-hanga, kagila-gilalas na salita. Hindi ito tumutukoy sa pangkaraniwang pagkakaunawa natin katulad sa Ingles, “Oh i hope so”, “maybe”, “could be”, “Oh i wish so much”. Ang salitang ito ay nagpapatungkol sa katuparan ng ating pananampalataya. Ang muling pagbabalik ng Panginoong Hesus. Ito ay tiyak na mangyayari at hindi nagdudulot ng takot o’ pangamba sa puso ng mananampalataya. Nais nating lahat na matupad ang pag-asa na yan sa lalong madaling panahon. Ngayon na sana! Sa oras na ito! Sapagkat ang lahat ng ating pag-asa ay nakatali sa kung sino Siya. “At ang pag-asa na ito ay hindi kailanman bumibigo sa atin.” So number 1 meron tayong kapayapaan, number 2 meron tayong personal introduction, at pangatlo meron tayong konsepto ng kagalakan sa gitna ng kapighatian. Mayroon tayong kapayapaan sa gitna ng mundong nahulog sa kasalanan at ang lahat ng problema kaakibat ng kasalanan. At pang-apat ay ang Banal na Espiritu bilang kaloob sa atin. Banal na Espiritu ang tanda ng bagong tipan. ‘Believers have the gift of the Holy Spirit, and people keep saying to me, “You need more of the Holy Spirit” Is this true? Or is it the Holy Spirit who needs more of us? Because Romans 8 says you either got the Spirit or you don’t got the Spirit. We don’t need a second blessing of the Holy Spirit, we need to walk in the first blessing.’ Ang problema sa karamihan sa atin, ang gusto natin ay pananampalataya na makasarili (selfish) – Anong makukuha ko diyan? Anong mapapakinabangan ko dyan? Malimit na ang sarili ang pinaglalaanan nating mga Kristiyano.

Ang mga talatang 1 to 5 ay ang karanasan ng kaligtasan. Ngayon paano natin maiaangkop sa ating buhay? Ano ang batayan ng kaligtasan? Pansinin nyo ang grammatical parallelism sa verse 6 at verse 8 at theological parallelism sa verse 10. “Sapagkat noong tayo’y mahihina pa”. that’s in verse 6. Ngayon sa verse 8, “na noong tayo’y mga makasalanan pa,”. Now look at verse 10, “Sapagkat kung noon ngang tayo’y mga kaaway,“. Obviously, yaong ‘mahihina’, ‘makasalanan’, at ‘kaaway’ ay mga kahanay na konsepto. Anong ginawa ng Dios noong tayo’y mahina, makasalan, at kaaway ng Dios? Isinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak sa takdang panahon upang mamatay para sa makasalanan. Namatay si Kristo para sa ating lahat. Ang susi sa Kristiyanismo ay ang kung sino si Hesus. Kung si Hesus ay hindi Anak ng Dios at isang hamak lamang na anluwagi sa mga lansangan ng Jerusalem, magpatiwakal na lamang tayong lahat. Ngunit kung si Hesus nga ang Siyang Kanyang inaangkin na ipinangakong Dios na nagkatawang-tao, kung gayon, mayroon tayong pag-asa. Ito yaong sinasabi sa Isaiah 53:6Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon ang lahat nating kasamaan. Ito ang doktrina ng “substitutionary atonement”. Ika’y buhay, mayroong kagalakan, nasa kalusugan, at nasa tamang ugnayan sa Dios sapagkat kusang-loob na ipinagkaloob ng Dios ang Kanyang Anak upang maging katubusan ng lahat.

Yaong huling talata, 11, kung saan sinasabi, “na sa pamamagitan Niya’y tinamo natin ngayon ang pakikipagkasundo.” Ang salitang ito sa Griyego ang salitang “to exchange” o ipinalit. Ipinagpalit natin ang ating kasalanan sa Kanyang katuwiran. ‘Oh what an exchange! What a quid pro quo!’ At dahil dito tayong mananampalataya ay nagagalak sa ating Dios sapagkat sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo natanggap natin ang pakikipagsundo sa Dios! Purihin ang Dios!

SLOTH DULLS THE SENSES

“There is much more we would like to say about this, but it is difficult to explain, especially since you are spiritually dull and don’t seem to listen. You have been believers so long now that you ought to be teaching others. Instead, you need someone to teach you again the basic things about God’s word.”

Heb. 5:11-12 (NLT)

The opening chapters of Hebrews deal with comparing things, the superiority of Jesus over the prophets, over the angels, over Moses. And eventually it talks about the priesthood: the comparison between the priesthood of Aaron and the priesthood of Jesus. Along this analogy, Jesus is not of the Levitical line, but He’s of the line of Melchizedek. This is a very, very important Biblical concept especially to the Jews who have a problem about the priesthood of Jesus Christ, because He was not a Levite; He was of the tribe of Judah. It’s a very important Biblical concept that focuses in on the uniqueness and the superiority of Jesus over sacrificial system. Now the author knew, these Jews were going to have a problem with a very deep, and very involved subject like this. So, in chapter 5, verse 11, he stops his argument about Jesus is of the line of Melchizedek. He just stops it, and from verses 11 through 20 of chapter 5 is a giant parenthetical clause about the spiritual dullness of the Jewish Christians, that he’s writing. So, it’s kind of like he just stopped the argument and said, ‘I know you, that it’s going to be hard for you to understand this, but it’s important for you to understand it’. Thus, the need for this parenthesis number. It’s a very stern warning, and I think it’s the sternest warning anywhere in the New Testament, except possibly Matthew 7.

“There is much more we would like to say about this (subject of priesthood), but it is difficult to explain, especially since you are spiritually dull and don’t seem to listen.” – now, the verb tense here is perfect: they have become dull in the past, and the dullness that crept into their spiritual lives now abides as a settled condition. They have gradually become dull, and they have remained spiritually insensitive to the truth. We’re talking here about Jews who have become Christians, but who have not fully made a break with the synagogue. So, they have come to a certain standard, a certain level of Christian maturity, but they have not taken any position that would ‘ruffle the feathers’ of their Jewish friends. The author knew that when he brought up the issue of the ‘Melchizedek priesthood’, there’s going to be trouble, so he’s trying to prepare them for that. Now, the word ‘dull’ here is used for an animal whose limbs, arms, and legs have just gotten numb and unusable. It’s a picture of someone who has grown spiritually insensitive; incapable of understanding because of the prolonged non-use of the faculty. They have become dull in their spiritual senses. Notice in verse 12, “You have been believers so long now that you ought to be teaching others. Instead, you need someone to teach you again the basic things about God’s word. You are like babies who need milk and cannot eat solid food.” (cf. 1Co 3:1-2) – now, what he’s saying is, there should be a co-relation between length of time knowing Jesus and maturity. There should be a link. The longer you’re a Christian, the more you read your Bible, the more years you’ve walked with the Lord, you ought to be more mature. So, it’s logical to say, that older Christians should be more mature Christians. However, the author seems to say that longevity and spirituality are not equated. It’s very possible for a very young Christian to be a mature Christian, and a very old Christian to be immature and dull spiritually. Therefore, length of time is not the primary criteria in spiritual maturity. It is an aggressive discipleship and follow-ship of Jesus. And the way He’s saying this is, ‘you’ve been Christians for a long, long time. And by the very length of your being in the faith, you ought to be teachers, but you still have needed someone to teach you after all these years”. It’s rather a poignant rebuke to these people, like slapping them in the face to wake them up. It seems like he’s saying, ‘you have to go back to kindergarten because you’ve failed kindergarten over and over, and you’re still in kindergarten, and someone’s got to teach you repeatedly about the ABCs of your faith, and unless you learn, it’s going to be hard for you to understand something here about the Melchizedek priesthood of Christ’.

I believe two-thirds of the Church of Jesus Christ today are baby Christians. And they come to church sucking from their feeding bottles. And they come Sunday after Sunday, and they’re content with that milk, and that’s all they want to drink, and all they want to deal is those ABCs and nothing more. That’s a tragedy, the Church of Jesus Christ for the most part, is an infant crawling around a sinful world, inept and ill-equipped to deal with the spiritual problems the world offers. That’s a tragedy! The author says, ‘you still need milk instead of solid food”. They have teeth now. They can eat meat. Their stomachs are ready, but they will not take it. It’s available, but they will not take it. And that’s the dismal spiritual picture of too many people in our churches today.